Ryan Bang inaming pang-'forever' na si Paola Huyong

Ryan Bang chinika na ang lovelife, pang-‘forever’ na raw si Paola Huyong

Pauline del Rosario |February 16,2024
facebook
share this

Ryan Bang chinika na ang lovelife, pang-‘forever’ na raw si Paola Huyong

Pauline del Rosario - February 16, 2024 - 10:07 AM

Ryan Bang chinika na ang lovelife, pang-'forever' na raw si Paola Huyong

PHOTO: Instagram/@ryanbang

FOR the first time, nag-open up ang TV host na si Ryan Bang patungkol sa kanyang lovelife.

Sa kanyang panayam with “TV Patrol,” idinetalye niya kung paano sila nagkakilala ng non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Ayon kay Ryan, nagsimula ito nang nagkasama sila sa isang football game.

“Ako ‘yung middle field, siya ‘yung striker,” umpisang kwento ng TV host.

Chika pa niya, “So pinapasa ko ‘yung bola sa kanya, tapos ‘yung tao ko, may nakunan na video. Tapos sabi niya, ‘Wow! First time akong may video na may score, send mo [sakin].’ Sabi ko, ‘hindi gumagana airdrop ko…ano ba number mo?’”

At dahil sa pagkuha niya ng number ay doon na raw nag-umpisa ang nakakakilig nilang love story.

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

Natanong din kay Ryan kung ano ang naging reaksyon ng kanyang parents nang ma-meet nila si Paola.

Kung maaalala, September last year nang magtungo ang couple sa South Korea upang ipakilala ni Ryan sa kanyang pamilya ang girlfriend.

“Siyempre, nagulat sila kasi first time,” sagot ng aktor.

Paliwanag pa niya, “Actually, in Korea, you never introduce to your parents once if you really want her.”

Kasunod niyan ay inamin ni Ryan na si Paola na ang itinuturing niyang “forever” at “the one” kahit wala pang isang taon ang kanilang relasyon.

“Ayoko magkaroon ng lovelife kung wala akong plano [pakasalan],” sambit niya.

Patuloy niya, “Hindi ko pipiliin siya –lalo na hindi ko ipapakilala sa Showtime family kila Mommy Vice, sa mga hosts kung wala akong plan sa future with her.”

Matatandaan noong Agosto ng nakaraang taon nang ipinahayag ni Ryan ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at sinabing gusto niyang manirahan sa bansa at makapangasawa ng isang Pinay.

Makalipas ang ilang linggo, kinumpirma ng ng TV host na “in a relationship” na siya, pero hindi pa niya ito masyadong idinetalye.

Makalipas ang dalawang buwan ay ibinandera ng couple ang  first-ever public photos nila sa gitna ng kanilang Hong Kong trip kasama ang “It’s Showtime” hosts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magmula niyan ay madalas na silang makita sa mga Instagram posts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending