Rabiya ipinagpalit nga ba ang BF sa ex-PBB housemate na si Andre Brouillette? | Bandera

Rabiya ipinagpalit nga ba ang BF sa ex-PBB housemate na si Andre Brouillette?

Ervin Santiago |May 27,2021
facebook
share this

Rabiya ipinagpalit nga ba ang BF sa ex-PBB housemate na si Andre Brouillette?

Ervin Santiago - May 27, 2021 - 09:56 AM

MAINIT na pinagtatalunan ngayon sa social media kung ano nga ba talaga ang real score sa pagitan ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette.

Kumalat kahapon ang chika na naghiwalay na umano ang beauty queen at ang non-showbiz at frontliner boyfriend nitong si Neil Salvacion.

Ito’y matapos mapansin ng mga netizens na deleted na ang mga litrato ni Rabiya sa Instagram account ni Neil, kabilang na riyan ang mga sweet photos nila together.

Ayon sa ilang IG followers ni Neil na isa ngang nurse, mukhang hindi nila kinaya ni Rabiya ang long distance relationship habang may nagkomento naman na baka ang dalaga ang nakipaghiwalay dahil nga sa ilang personal na kadahilanan.

Kasunod nga nito ang pagkalat ng litrato ni Rabiya sa social media kung saan kasama niya ang former PBB housemate na si Andre Brouillette. Agad na nag-one-plus-one ang mga netizens at sinabing baka raw ito ang rason ng breakup nina Rabiya at Neil.

May IG story din kasi ang Pinay beauty queen na kasama si Andre sa isang restaurant sa Beverly Hills kung saan tawa pa nang tawa ang dalawa habang nagchichikahan.

Sa IG page naman ni Andre ay may naka-post din na photo na kuha naman habang kumakain sila, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.”

Kung matatandaan, nitong nagdaang January ay nag-issue ng offcial statement ang Fil-Italian model-actor kung saan kinumpirma niyang hiwalay na sila ni Lou Yanong na naging girlfriend niya matapos silang ma-develop nang magkasama sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2018.

Sa isa namang panayam, nabanggit  ni Rabiya na anim na taon na silang  nagdi-date ni Neil at nangako pang gagawin niya ang lahat para manatiling matatag ang kanilang relasyon sa gitna ng pagiging busy niya matapos koronahang Miss Universe Philippines 2020.

Wala pang ginagawang paglilinaw sina Rabiya at Andre tungkol sa chikang ito at bukas ang BANDERA sa kanilang magiging paliwanag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending