Loveteam nina Gina Alajar at Ricky Davao sa 'Monday First Screening' lumebel sa pagpapakilig ng BarDa at DonBelle | Bandera

Loveteam nina Gina Alajar at Ricky Davao sa ‘Monday First Screening’ lumebel sa pagpapakilig ng BarDa at DonBelle

Ervin Santiago - August 23, 2023 - 09:59 AM

Loveteam nina Gina Alajar at Ricky Davao sa 'Monday First Screening' lumebel sa pagpapakilig ng DonBelle at BarDa

Ricky Davao at Gina Alajar

MULI naming napatunayan na kahit gaano kasimple ang kuwento ng isang pelikula ay magiging maganda at kapuri-puri kapag magagaling ang mga artista.

Halos lahat ng members ng entertainment media na nakapanood sa special celebrity screening ng “Monday First Screening” ng Net 25 Films, ay nagsabing napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula.

Ito’y pinagbibidahan ng mga veteran at award-winning actors na sina Ricky Davao at Gina Alajar mula sa direksyon ni Benedict Mique. Ito ang kauna-unahang pelikula ng Net 25 Films.

Iikot ang kuwento ng “Monday First Screening” sa dalawang senior citizen na nagkakilala at nagkainlaban sa panonood ng libreng pelikula tuwing Lunes sa isang mall.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NET25 (@net25tv)


In fairness, kahit na mga senior citizens na ay nakuha pa ring magpakilig nina Gina at Ricky na gumaganap na  magdyowa sa kuwento kung saan pinatunayan ang kasabihang age doesn’t matter talaga pagdating sa true love.

As in lumebel sina Direk Ricky at Direk Gina sa mga pambatong young loveteams ngayon tulad nina Belle Mariano at Donny Pangilinan at Barbie Forteza at David Licauco, pagdating sa pagpapakilig.

Bukod dito, ipinakita rin sa movie ang kahalagahan ng pakikisama at ang pagbibigay ng second chance sa lahat ng deserving na makatanggap nito.

Hindi na namin ikukuwento ang naging ending ng “Monday First Screening” para naman walang spoiler alert.” Pero sinisiguro namin sa inyo na happy ang puso n’yo after n’yong mapanood ito.

Hindi lang ito para sa mga senior citizen, kundi sa lahat ng mga taong gustong ma-inspire, matuwa, matawa at kiligin sa gitna ng mga pinagdaraanang problema at pagsubok sa buhay.

Baka Bet Mo: Gina Alajar nag-dialogue ng ‘watch and learn’ habang idinidirek ni Ricky Davao: ‘Ang galing naman pala! Yung mga presong kaeksena niya bilib na bilib!’

Sa isang panayam kay Gina, sinabi nitong super happy siya sa natatanggap na feedback mula sa mga nakapanood na ng kanilang pelikula. Sabi pa niya sa pagiging leading lady ni Ricky Davao.

“Of course I’m so grateful, I’m so proud kasi magkaibigan naman kami ni Ricky, I’m so relaxed with him. Thankful ako dahil napili kami para pagbidahan ang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NET25 (@net25tv)


“You know, come to think of it, sa dinami-rami na rin ng mga senior citizen na kaedaran namin sa industriyang ito, kami ang napili,” sey ng 64-anyos na aktres.

Dugtong pa ng aktres, “Hindi ako nag-second thought kasi alam ko na bihirang mabigyan ng pansin ang ganitong klase ng istorya. Because first of all, ‘di ba, hindi naman syempre superstar, I mean ‘yung artista kapag nandito na sa ganitong edad, ‘di ba?

“Lagi tayong nandu’n sa kabataan. We’re not given na rin talaga na mga opportunities to be the lead stars of movies,” aniya pa.

Samantala, ano naman ang masasabi ni Ricky sa kinakiligang loveteam nila ni Gina, “’Yung feeling na bida kami ni Ms. Gina Alajar tapos nu’ng binasa ko ‘yung material, ang ganda. Tapos I felt so important na Net25, sina Ms. Wilma Galvante, Direk Benedict Mique waited for us.

“Kasi ako, I was directing something for GMA, same thing with Gina, may ganon and they really waited for us. So nagkaroon talaga ng chance, isang bagsakan ganon, eksakto. Tapos ang kasama pa namin napakagagaling na artista, sila Ruby Ruiz, si Soliman Cruz,” aniya.

Showing na sa 100 sinehan ang “Monday First Screening” simula sa August 30. Kinumpirma rin ni Caesar Vallejos, ang Presidente ng Net 25, na idi-distrube ng Regal Films ang kauna-unahan nilang pelikula.

Ani Mr. Vallejos, “Misyon ng NET25 Films na maging generally wholesome, family-friendly production. Napakaraming materyales kahit sa telebisyon at pelikula na may mga touchy na subject.

“Napatunayan na namin na kayang makabuo ng content na pinahahalagahan ang Filipino values. Gusto naming maging iba sa industriya. I think with NET25 Films, magiging very unique tayo.

“Ang wholesome content ay gagawin tayong kakaiba. Tulad nang nabanggit ni Ms. Gina Alajar, puwede naman palang gumawa ng pelikula or kuwento na may kuwenta,” sabi pa ng TV executive.

Ricky Davao pinatunayang walang senior-senior sa pag-ibig, 1 year nang maligaya sa piling ng non-showbiz dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vicki Belo pinagalitan ng botante: ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending