Anak nina Ricky at Jackie Lou na-feel ang pagiging lesbian sa edad na 10
GRADE 3 nang maramdaman ng anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na si Rikki Mae Davao ang kilig sa mga kapwa niya girls.
Matapang at game na game na ikinuwento ni Rikki Mae on national TV ang tungkol sa kanyang pagiging proud member ng LGBTQIA+ community.
Sa guesting ni Rikki Mae sa weekly talk show ng GMA 7 na “Sarap Di Ba?” kasama ang inang si Jackie Lou ibinahagi niya kung paano nag-come out sa kanyang parents.
Simula niyang chika tungkol sa pagdiskubre sa sarili niyang katauhan, “So grade three, mga 9 or 10 years old, nagkaka-crush na ako sa classmates ko.
“Pero hindi ko pa naintindihan kung, okay, so what is being gay? What is same-sex relationship? It’s just I know na kinikilig ako sa mga classmates ko,” lahad ni Rikki Mae.
Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?
Makalipas ang ilang taon, saka pa lamang niya naintindihan ang konsepto ng same-sex relationship at napatunayan niya kung gaano kahirap ang maging miyembro ng lesbian and gay community.
“Very important yung role nu’ng mga people in your life talaga. I think it was a unique experience, pero hindi naman siya parang scarring, thank God. Kasi marami talaga na experienced bullying,” aniya pa.
View this post on Instagram
Taong 2015 nang umamin si Rikki Mae sa kanyang mga magulang dahil na rin sa kagustuhan ng dati niyang karelasyon.
“‘Yung girlfriend ko at that time wanted me to tell you, that’s the only reason…shoutout to you, kaya nandito kami ngayon pinag-uusapan ito!” birong pahayag ng anak nina Ricky at Jackie Lou.
Sey naman ng aktres, mga 30 minutes daw ang pinalipas ng anak bago ito nakapagsalita. Sey ni Rikki Mae, “I didn’t realize na it would be hard, na it took me 30 minutes to tell you and muster my courage.
Baka Bet Mo: Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na
“I know that you and dad love me, but I don’t know how you’ll react. I don’t know naman talaga how you’ll react. I can only hope and bank on our love and relationship, but you never know,” lahad pa ni Rikki.
Mga mga kakilala raw siya na hindi matanggap ng kanilang pamilya dahil sa kanilang kasarian, “I had friends that were thrown out, sent to the convent.”
“I realized, why is it so hard to say a part of who I am? Parang if I can’t say it, then what, am I ashamed? So I really said no, I have to say it kasi it means something for me to really put it out there,” sey pa ni Rikki Mae.
Nagpasalamat naman siya sa mga magulang na tinanggap siya agad nang buong-buo, “Both of them naman, wala akong masabi. Siguro, if they weren’t the way they are then I wouldn’t be as comfortable din with who I am.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.