Jackie Lou Blanco kay Mavy Legaspi: Mas gwapo ka 'nak!

Jackie Lou Blanco kay Mavy Legaspi: Mas gwapo ka ‘nak!

Therese Arceo - September 03, 2024 - 05:32 PM

Jackie Lou Blanco kay Mavy Legaspi: Mas gwapo ka 'nak!

TILA may nais raw paringgan ang aktres na si Jackie Lou Blanco sa naging komento nito sa larawan ni Mavy Legaspi.

Nitong Lunes, September 2, nag-post ng larawan si Mavy sa kanyang Instagram page kung saan nag-iwan ng komento ang batikang aktres.

Makikita sa naturang larawan ang pagpayat ni Mavy na may caption na “been doing just fine”.

Isa nga si Jackie Lou sa nagpahayag ng kanyang kagalakan sa naging progress ng aktor.

Aniya, mas gumwapo si Mavy.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco kinidnap noon ng sariling ama

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mas gwapo ka Nak!!! looking great!!! keep it up!!!” komento ni Jackie Lou.

Maging ang Kapuso actress-comedienne na si Charize Solomon ay napahanga sa progress ng anak ni Carmina Villarroel.

Ngunit tila minasama ng ilan sa mga netizens ang naging komento ni Jackie Lou sa post ni Mavy dahil kinukumpara umano nito ang aktor kay Kobe Paras.

Para sa mga hindi aware, dating may relasyon sina Mavy at Kyline ngunit hiwalay na ang mga ito at ngayon nga’y sina Kobe at Kyline ay nali-link na sa isa’t isa.

Bagamat wala namang sinabing iba si Jackie Lou ay naging paladesisyon ang madlang pipol dahil sa salitang “mas”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“@jackielou.blanco more masculine naman ung isa hehe,” comment ng isang netizen.

Hirit naman ng isa kay Jackie Lou, “mas gwapo naman si kobe layo lakas ng appeal.”

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag o paglilinaw si Jackie Lou ukol sa isyung kinasasangkutan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending