Ysabel Ortega sa panliligaw ni Miguel Tanfelix: 'Kailangan mahalin niya rin ‘yung nanay at tatay ko...at inaalagaan naman niya ako' | Bandera

Ysabel Ortega sa panliligaw ni Miguel Tanfelix: ‘Kailangan mahalin niya rin ‘yung nanay at tatay ko…at inaalagaan naman niya ako’

Ervin Santiago |April 09,2023
facebook
share this

Ysabel Ortega sa panliligaw ni Miguel Tanfelix: ‘Kailangan mahalin niya rin ‘yung nanay at tatay ko…at inaalagaan naman niya ako’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:14 AM

Ysabel Ortega sa panliligaw ni Miguel Tanfelix: 'Kailangan mahalin niya rin ‘yung nanay at tatay ko...at inaalagaan naman niya ako'

Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

INISA-ISA ng Kapuso young actress na si Ysabel Ortega ang magagandang katangian ng kanyang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix na talagang gustung-gusto niya.

Hindi pa raw official ang pagiging magdyowa ng dalawang Kapuso stars dahil hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin si Miguel sa kanyang leading lady na muling mapapanood sa live action series na “Voltes V: Legacy.”

Ayon kay Ysabel, hindi lang daw siya ang nililigawan at sinusuyo ni Miguel kundi pati na ang kanyang mga magulang. Nais daw kasing patunayan ng binata na totoo at malinis ang intensyon nito sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)


“Siyempre we know naman na kapag kunwari nanliligaw ka sa isang tao it really takes time, and time is the best way to get to know a person.

“So I think ‘yung ginagawa ni Miguel is just really to show my mom who he is, kung ano ‘yung intentions niya sa akin.

Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

“And at the same time na susundin niya rin ‘yung kondisyon ko na if kunwari mamahalin mo ako, kailangan mahalin mo rin ‘yung mga nasa paligid ko.

“Kailangan mahalin mo rin ‘yung nanay ko, ‘yung tatay ko. And he’s showing that and he’s proving that day by day,” ang pahayag ni Ysabel sa online mediacon ng “Voltes V: Legacy” nitong nagdaang April 5.

Paglalarawan pa ng dalaga sa kanyang manliligaw, “Miguel is a gentleman. He is loving, he is caring. Number two, inaalagaan po niya ako. Number three, it’s hard not to love Miguel. There’s nothing na hindi mo dapat imahal kay Miguel.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)


Inamin din daw ng binata sa kanya ang tungkol sa mga nakarelasyon nito noon, kabilang na sina Barbie Forteza, Bianca Umali at Kyline Alcantara.

“Ever since naman po we’re very open about those kinds of things. Wala namang surprise po, wala siyang tinago. I know naman about it,” ani Ysabel.

At tungkol naman sa pagiging “matinik” ni Miguel pagdating sa mga babae, “For me po it’s not up to me, it’s up to him. It’s his game. If he wants to not to be matinik anymore, if he doesn’t want to be, then sa kaniya po iyon.

“Basta ako, nandito lang po ako. The ball is in his court. If gusto po niyang maging whoever that is, that’s his call,” mariing sabi pa ni Ysabel

Sanya Lopez self-love ang payo sa mga kababaihan: Irespeto at mas mahalin natin ang ating sarili

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ysabel Ortega type na type ang pagiging joker ni Miguel Tanfelix: And he’s sweet and very caring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending