Ysabel Ortega type na type ang pagiging joker ni Miguel Tanfelix: And he’s sweet and very caring
IN FAIRNESS, ang lakas din ng kilig factor at screen chemistry ng pinakabagong Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Sila ang bibida sa pinakabagong GMA Telebabad series na “What We Could Be”, ang first collaboration ng GMA 7 at Quantum Films, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.
Sa trailer pa lang ng “What We Could Be” ay talagang kitang-kita na ang rapport at karisma ng tambalang Miguel-Ysabel na siguradong inaabangan na ng kanilang supporters.
Pero siyempre, hindi naman daw maiiwasan ang makaramdam ng takot at kaba habang papalapit na ang pagpapalabas ng serye nila ni Miguel with Kapuso hunk Yasser Marta.
Sabi nga ni Ysabel, “For me, of course, may pressure. But at the same time, it’s not all about Ysabel, the pilot. It’s also about Ms. Joyce (Burton), my whole family.
“I feel like it’s our camaraderie, it’s our chemistry, grabe rin ’yung chemistry namin as a family and ang daming scenes namin sa pilot.
“I feel like sobrang grateful ako kasi, unang scene pa lang, nag-click na kami agad as a family. Yeah, there’s pressure but because of how talented my co-actors are as well and how grateful I am na naka-eksena ko sila, I think, it will make the viewers fall in love with our series,” pahayag pa ng young actress sa naganap na vitual mediacon para sa “What We Could Be.”
Tinanong namin ang magka-loveteam kung ano ba ang mas gusto nila, yung may permanenteng ka-loveteam o ang maipareha sa iba pang Kapuso stars.
Sagot ni Ysabel, “Each option, may benefit naman talaga siya sa career. But for me, you know, yes, it’s nice to be in a loveteam, a permanent loveteam.
View this post on Instagram
“But at the same time, ang ganda rin kasi ng opportunity as actors na makapag-grow kayo and the way you could grow is also to work with others as well. I think, if ever, balance talaga,” aniya pa.
Para naman kay Miguel, mas advantage at disadvantage pareho ang may ka-loveteam at wala basta kung ano raw ang ibibigay na proyekto sa kanya ng GMA, G na G siya, as in game na game.
Wala rin naman daw pressure sa loveteam nila ni Miguel sabi ni Ysabel, “There’s really no pressure. We only work with each other and we’re really looking forward to many other opportunities din ng kanya-kanya naming career.
“I feel like na kung maging permanent loveteam man or we get the chance to work with other people, ang priorities pa rin namin ay kung ano ang makakapagpabuti sa career namin and what will make us grow even more.
“So there’s not really a good answer to that kasi nga both options are really great,” chika ng dalaga.
Sa tanong naman namin kung anu-ang mga qualities na nagustuhan niya kay Miguel, “For me siguro, ’yun talagang sense of humor ni Miguel. Kasi, siyempre, ang saya lang kapag good vibes sa set. Kapag may joker sa set.
“Super saya lang kapag ang kasama mo sa trabaho, palaging nakakapagbigay ng joy.
“Pangalawa, he’s very caring. He’s very sweet. He’s such a gentleman and sobrang mahalaga sa akin ’yon.
“Kasi nga, nandoon ’yung care, nando’n ’yung respect. And at the same time, I just really like na magkasundo kami when it comes to our work ethics. I feel like nagkakasundo talaga kami,” katwiran pa ni Ysabel.
Mapapanood na ang “What We Could Be” simula sa August 29, sa GMA Telebabad. Ito ang papalit sa magtatapos nang “Bolera” nina Kylie Padilla, Rayver Cruz at Jak Roberto.
https://bandera.inquirer.net/319920/miguel-tanfelix-ysabel-ortega-magdyowa-na
https://bandera.inquirer.net/281877/miguel-tanfelix-sa-pagiging-leader-ng-voltes-v-sobrang-nape-pressure-ako
https://bandera.inquirer.net/316669/sikat-na-female-celeb-nilayasan-ang-talent-manager-nabwisit-sa-pakikialam-sa-personal-niyang-buhay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.