Pamangkin ni Ricky Davao Vivamax hunk na, game sa hubaran

Pamangkin ni Ricky Davao Vivamax hunk na; Dyessa ‘di alam ang ‘donselya’

Ervin Santiago - October 24, 2024 - 06:00 AM

Pamangkin ni Ricky Davao Vivamax hunk na; Dyessa 'di alam ang 'donselya'

Anthony Davao at Dyes Garcia

UNTI-UNTI na ring gumagawa ng sarili niyang pangalan ang pamangkin ni Ricky Davao na si Anthony Davao, sa mundo ng showbiz.

Isa na ngayong certified Vivamax hunk si Anthony na bibida sa upcoming sex-drama movie na “Donselya” kasama ang Vivamax bombshell na si Dyessa Garcia.

Nakachikahan namin ang binata na anak ng dati ring aktor na si Charlon Davao sa presscon ng “Donselya” kamakailan at dito nga niya nasabi na bukod sa paggawa ng sexy movies ay pangarap din niya ang sumabak sa aksyon.

Hindi pa raw kasi niya nae-experience ang makipagbakbakan at makipag-fight scenes sa pelikula kaya wishing and hoping siya na mabigyan siya ng break sa action genre.

Baka Bet Mo: Claudine maayos na ang relasyon kay Julia, wish na mabigyan pa ng maraming projects: ‘Para ma-showcase ‘yung acting niya talaga’

Sey ni Anthony, talagang mahilig daw aiyang manood ng mga action movie,
“May kaunting action din naman kami rito sa pelikulang Donselya na idinirek ni Christopher Novabos pero more on drama kasi.”

Para naman kay Dyessa, gusto niyang sumubok sa comedy, “Nag-eenjoy kasi ako sa ganoong tema. Parang feeling ko kaya ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VMX Philippines (@vmxphilippines)


“Siguro dahil sexy na ako, sexy comedy. Kasi mostly lagi na akong umiiyak sa VMX, parang recently lagi na akong pinaiiyak ni Boss Vic (del Rosario).

“Natanong ko before kung bagay ba sa akin ang umiyak at nakita ko namang okey, pero gusto ko ring ma-try ang ibang genra katulad ng comedy nga, horror,” chika ni Dyessa.

Inamin naman ng dalaga na hindi niya alam nu’ng kung anong meaning ng “donselya”. Ang akala raa niya ay pangalan ito nina Don at Selya.

“Nalaman ko na lang nang ipaliwanag sa akin ni direk ang ibig sabihin ng donselya at nang nabasa ko na ang script. Pero noong una talagang ang akala ko pangalan sila. Ang naisip ko pa parang nabutasan,” natawang chika ni Dyessa.

Samantala, feeling blessed naman sina Dyessa at Anthony sa kanilang first full length movie lalo pa’t puro mga batikang artista ang kasama nila rito, kabilang na sina Allan Paule, Tanya Gomez, at Arnold Reyes.

“May mga kasama kasi kaming veteran actor so, parang doon pa lang sa workshop nape-pressure na ako kasi naiisip ko na agad na kasama ko sila sa mga eksena.

“Iniisip ko baka masungit sila, pero naisip ko rin na kailangan ko silang i-approach, masanay na nakatingin ako sa kanila, kasi baka ma-starstruck ako, ganoon ‘yung mga naiisip ko,” sey ni Dyessa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dyessa Garcia (@garciadyessa_)


“Sobra po kasi talaga ang nai-starstruck sa mga veteran actor at napatunayan kong masaya pala silang kasama lalo na si sir Allan, si Ms. Tanya.

“Tinatanong ko si sir Arnold kung ano inspirasyon niya para kung paano lalong gagalingan ang pag-arte. Kaya binibigyan niya ako ng mga tip.

“Medyo curious din kasi ako kung ano ‘yung nasa isip nila, kaya naging palagay na ako noong magkuwentuhan na kami ng tungkol sa buhay-buhay.

“Tungkol naman sa kung gaano ka-bold yung movie kumpara sa mga nagawa ko na, sobrang challenging ito sa akin dahil sobrang dami kong iyak at ang daming pisikal na naganap. Maraming first time na nagawa ko rito.

“Kay sir Arnold ko naramdaman na nadadala siya sa character niya kaya ako rin ganoon. Kung ano ‘yung istorya sa movie ‘yun ang nangyayari sa totoong buhay, kaya totoo na ‘yung iyak ko kasi nararamdaman ko ang galit niya.

“Tapos nakakaramdam na ako ng awa sa kanya, hindi naman totoo pero ‘yun ang pakiramdam ko, siguro dahil sa galing niya talagang umarte,” pahayag pa ni Dyessa.

“First full length ko rin ito at sa character ko naman very intense talaga kasi medyo dark ang mind set ko rito. Kaya sobrang challenge sa akin. Nakakatuwa rin na nagawa namin ‘yung mga heavy scene with the veteran actors,” sabi naman ni Anthony.

Sa pelikula gaganap si Dyessa bilang si Iris, panganay sa apat na magkakapatid. Mula sa mahirap na pamilya, handang magsakripisyo para maibsan ang paghihirap.

Kaya wala siyang tutol nang gusto siyang ipakasal sa isang mayamang biyudo (Arnold) kapalit ang malaking pera sa isang kondisyon na siya ang unang lalaking makakasiping.

Nagtapos si Joaquin (Arnold) ng medisina, pero nagtrabaho at yumaman bilang negosyante. Namumuhay ito ng solo, maselan, at malinis sa katawan. Maginoo ito kung titingnan, pero mag-ingat sa kakayahan niyang maging marahas.

Bago pakasal kay Joaquin, dapat nang putulin ni Iris ang relasyon kay Jimbo (Anthony). Tutal, hindi naman siya seryoso rito at wala siyang nakikitang magandang buhay sa pagtitinda lang nito ng mga prutas sa palengke. Pero hindi ito magiging madali, at dudungisan ni Jimbo ang kanyang pagkababae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Donselya” ay mula sa direksyon ni Christopher Novabos, at mapapanood sa Vivamax o VMX simula sa October 29. Kasama rin dito sina Chloe Jenna, Vern Kaye, at Juan Calma.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending