Jennica hindi na babalikan si Alwyn: 'Yung second chance nabigay ko na po yun, dumating na sa point na wala na talaga akong kayang ibigay' | Bandera

Jennica hindi na babalikan si Alwyn: ‘Yung second chance nabigay ko na po yun, dumating na sa point na wala na talaga akong kayang ibigay’

Ervin Santiago |August 28,2023
facebook
share this

Jennica hindi na babalikan si Alwyn: ‘Yung second chance nabigay ko na po yun, dumating na sa point na wala na talaga akong kayang ibigay’

Ervin Santiago - August 28, 2023 - 07:35 AM

Jennica hindi na babalikan si Alwyn: 'Yung second chance nabigay ko na po yun, dumating na sa point na wala na talaga akong kayang ibigay'

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

WALA nang magaganap na balikan sa pagitan ng estranged couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco dahil inaayos na nila ang annulment ng kanilang kasal.

Kinumpirma ng Kapamilya actress sa panayam ng ilang members ng entertainment media na tuluyan na silang naghiwalay ng asawang aktor at ng tatay ng dalawa niyang anak.

“Definitely, we are already separated. Mga three years na now. And we are working on the annulment,” ang pahayag ni Jennica last August 24, sa media launch ng bago niyang endorsement, ang Queen White.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yung second chance kay Alwyn, nabigay ko na po yun sa kanya at dumating na po yung point na wala na talaga akong kayang ibigay,” ang pahayag pa ng “Dirty Linen” star.

Nabanggit din ng celebrity mommy na wala siyang planong magpakasal uli matapos mawasak ang married life nila ni Alwyn.

“I don’t see myself doing it again. Siguro in the future pero sa ngayon hindi ko po talaga ma-imagine. Kasi nag naisip ko magtitiwala na naman ako ng buong buo sa isang tao.

“Hindi ko alam kung kaya ko pang i-survive yung next blow of heartbreak. Maybe because I need a lot of healing,” katwiran pa ng aktres.

Dugtong pa niya, “Mahirap na ako ma-in love ngayon. Pa-tatlong taon na tayong single pero habang patagal ng patagal, natututo ka na manood ng sine mag-isa, kumain mag-isa, tapos you also feed others. Nagkakaroon na po ako ng kumpiyansa sa sarili ko.”

At kung magkakaroon man daw siya ng bagong karelasyon, “Pakiramdam ko po yung bagong pag-ibig, para mahulog yung loob ko sa iba, dapat po magaling po siya. Kasi paano yan magaling na rin ako?

“Pasensya na kung mayabang ang dating pero ginapang ko talaga itong healing ko eh. Ang layo na ng naitawid ko sa sarili ko, especially with my mental battle.

“So, kapag may darating na bago, I can very much differentiate a red flag from a green flag. I don’t want to awaken love. I don’t want to look for it.

Baka Bet Mo: Ellen pinagtripan ang ‘pores’ ni Derek: OMG! Ewww! I want an annulment right now!

“I don’t want to date anybody exclusively kasi alam ko na yung weakness ko na ang words of receiving words ko ay affirmation. Sa madaling salita uto-uto po tayo.

“Masabihan lang tayo na ang ganda mo or ikaw lang ang mamahalin ko, ako naman si oo nga, tama nga. Hindi na tayo ganyan. I don’t want to awaken love. If I date one person, mabilis na naman hulog ang loob ko.

“So aware na tayo. It’s so difficult to date right now because I have two kids. So kailangan mo rin tingnan would he be a good father to my children?” pagbabahagi pa ni Jennica.

Samantala, sa tanong kung papipiliin siya sa mga naging sitwasyon niya noon sa mga nagaganap sa buhay niya ngayon, “Dito na po ako sa ngayon. Kasi po dati, sobrang duwag ko. Submissive po kasi tayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


“When it comes to decision-making, if my husband would make a decision, even if I don’t agree with him, I would always go with what he wanted. Not naman na hindi ako magsasalita.

“Pero ayoko kasi siyang sundin wholeheartedly eh. Pero nagkaroon na ako ng lakas ng loob. May boses na rin ako,” matapang na sagot ng aktres.

Nagpapasalamat naman daw si Jennica sa lahat ng nagawa ni Alwyn noon para sa kanilang mag-iina. Sa ngayon daw, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang mga anak at ang kanyang sarili.

“I don’t think self-love is selfish at all. Dumarating naman tayo sa buhay na natin na kahit na exert na natin ang lahat ng effort for the people that we like to be pleased.

“Pero hindi pala talaga lahat pwede mong makuha ang loob. Pumapasok lang ang self-love kasi you tend to be mature. And I get to spot red flags easier now. Kaya ko na rin yung the art of deadma na lang. Sayang yung energy eh.

“I’m turning 34 in a couple of months. I really like myself now. It’s a really good feeling that every decision I make in life will benefit myself. If I am able to put myself first, I’b be able to put the version of myself,” pagbabahagi pa ni Jennica.

Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending