Gabby Eigenmann nakasama nga sa 'When I Met You In Tokyo' pero hindi naman nakaeksena si Ate Vi: 'Nakaka-frustrate...' | Bandera

Gabby Eigenmann nakasama nga sa ‘When I Met You In Tokyo’ pero hindi naman nakaeksena si Ate Vi: ‘Nakaka-frustrate…’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:41 AM

Gabby Eigenmann nakasama nga sa 'When I Met You In Tokyo' pero hindi naman nakaeksena si Ate Vi: 'Nakaka-frustrate...'

Gabby Eigenmann, Christopher de Leon at Vilma Santos

HINAYANG na hinayang ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makaeksena nang face-to-face si Vilma Santos.

Kasama si Gabby sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “When I Met You In Tokyo” na pinagbibidahan ni Ate Vi at Christopher de Leon, with Darren Espanto, Cassy Legaspi and Kakai Bautista.

Pero sa kasamaang-palad, wala raw siyang kahit isang eksena sa movie na nakaharap niya up close and personal ang nag-iisang Star for All Seasons.

Kuwento ni Gabby sa mediacon ng “When I Met You In Tokyo”, napanood daw siya noon sa pelikulang “Pakawalan Mo Ako” taong 1981 na pinagbidahan din nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Anthony Castelo, mula sa direksiyon ni Elwood Perez.

“Three years old pa lang ako noon. I was the baby there,” ang pagbabahagi ni Gabby sa media. “Kinikilabutan ako, o! Anyway, kung tatanungin n’yo ako kung ano ang experience ko na makatrabaho sila, nakaka-frustrate.

Baka Bet Mo: Hugot ni Jennica: Makasama ko lang si Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag-ipon ako nang husto…

“Kasi kami, dapat ang title nung sa amin, When I Met You In Manila. Sila lang yung nag-Tokyo. OK, ito, para clear, kumustang kaeksena si Ate Vi? Kaeksena ko siya via Facetime, pero hindi ko siya nakakausap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Eigenmann (@gabbyeigenmann)


“Kasi siyempre, alangan namang magtawagan kami? So, isang eksena, kunyari magkausap kami, ang hirap! Parang pinatikim lang ako ng experience!” ang natawang rebelasyon ng aktor.

“Kasi, wala akong maalala nu’ng three years old ako, e. So, opportunity sana na makaeksena ko si Ate Vi dito sa movie. Of course, si Tito Boyet, nakatrabaho ko na.

“Si Ate Vi talaga, it’s always been a dream to experience. I mean, kahit sino namang artista, pero kapag kasama mo si Ate Vi, na thinking, growing up, when I was, yun nga, baby ako.

“I did a movie. Yun ang sabi ng daddy ko sa akin. But now, yun na nga, na-experience ko to do a movie, When I Met You In Tokyo pero hindi pa rin kami nagkaeksena!” chika pa ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Samantala, yes agad ang sagot ni Gabby  nang tawagan siya ng isa sa mga producer ng pelikula na si Redgie Magno, “Nu’ng nilatag yung ano, alam mo, wala namang isip-isip, Ate Vi and Tito Boyet yan.

“It’s always been an honor to work with great actors. Kasi, pag pinagsama-sama natin kung ilang taon sila sa industriya, hindi mo talaga sila maaabutan at mahahabol. But you’ll learn a lot from them. And I’m very honored!” sabi pa ni Gabby.

Isa pa sa nanghihinayang sa cast members ng “When I Met You In Tokyo” ay si Cassy Legaspi dahil kabilang din siya sa Team Manila na hindi nabigyan ng chance na makasama sa mga eksena si Ate Vi na kinunan sa Japan.

Pagbabalik-tanaw naman ni Ate Vi, naging anak niya ang nanay ni Cassy na si Carmina Villarroel sa pelikulang “Kapag Langit Ang Humatol” (1990) na idinirek ni Laurice Guillen kasama si Richard Gomez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “When I Met You In Tokyo” sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending