Hugot ni Jennica: Makasama ko lang si Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag-ipon ako nang husto... Bandera

Hugot ni Jennica: Makasama ko lang si Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag-ipon ako nang husto…

Alex Brosas |September 18,2022
share this

Hugot ni Jennica: Makasama ko lang si Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag-ipon ako nang husto…

Alex Brosas - September 18, 2022 - 07:17 AM

ISA sa hinayang na hinayang sa pagtatapos ng “FPJ’s ang Probinsyano” ay si Jennica Garcia.

Matagal na pala kasi niyang wish na makasama sa top-rating teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Sadly, hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil nagtapos na nga ang show ni Coco.

Sa kanyang Instagram account, idinetalye ni Jennica ang kanyang panghihinayang.

“SIDEKICK NI COCO MARTIN CUTIE.

“Jenni Dalisay nga pala guys!

“Story time tayo. Alam niyo ba na isa ako sa mga sobrang nalungkot nu’ng natapos na ang ‘Ang Probinsyano’?

“Nu’ng bumalik kasi ako sa pag aartista last year sabi ko sa sarili ko, makasama ko lang si Mister Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag ipon ako ng husto tapos makakabili rin siguro ako ng tahanan namin ng mga anak ko,” say niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica Garcia (@jennicagarciaph)


Pagpapatuloy pa niya, “Matagal kasi ang naging run ng teleserye ni Mister Coco Martin.

“Napakahusay niyang actor at nakikita ng mga manunuod ang sinseridad niya sa mga proyekto na kanyang ginagawa.

“Dagdag mo pa na lahat ng actor na kasama sa Ang Probinsyano ay magaling din sa larangan ng pag arte,” sabi pa niya.

Bilib na bilib din si Jennica sa pagiging matulungin ni Coco.

“Ang daming nagmamahal at naniniwala sa husay ni Coco Martin.

“Mahal na mahal siya ng mga katrabaho niya at di lang ng mga artista. Hanggang staff at crew malaki ang paghanga sa kanya. Mister Coco Martin earned it dahil masipag at matalino siya.

“Hindi rin mawawala yung paghanga at kilig ko syempre para sa kanila ni Julia Montes. HAHA!” say pa ng anak ni Jean Garcia.

Inamin niyang malaki ang panghihinayang niya nang magtapos ang show ni Coco.

“Nung natapos yung Ang Probinsyano napasabi talaga ako ng ‘Sayang, hindi ko inabot. Hindi ako nakasali sa kanila.’

“PERO, PERO, PERO ayos lang dahil itong proyekto na ginagawa ko ngayon may kasama akong AGILA! Si Miss Angel Aquino na ubod ng ganda.

“Isa pa, hindi naman dun nagtatapos ang proyekto na gagawin ng isang Coco Martin.

“May chansa pa LESGAW!

“Flex ko na ngayon pa lang para pag nangyari balikan po natin itong post ko ha.

“P.S. Lord pagalawin mo na po yung baso. Handa na po ko sa ilalapag mo,” say pa niya.

Hiling ni Dennis sa mga anak: Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama sila…

Kylie Verzosa: Siguro may mga pagmamahal talaga na wala sa tamang panahon…

Bea ayaw munang makatambal si Dominic sa kahit anong proyekto: Parang mas magwu-work kami ng ganito

Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending