Chie tinamaan sa sinabi ni Kyle Echarri tungkol sa PBB days

Chie Filomeno tinamaan sa sinabi ni Kyle Echarri tungkol sa PBB days: ‘Huwag tayo mandamay ng ibang tao’

Pauline del Rosario |October 27,2023
facebook
share this

Chie Filomeno tinamaan sa sinabi ni Kyle Echarri tungkol sa PBB days: ‘Huwag tayo mandamay ng ibang tao’

Pauline del Rosario - October 27, 2023 - 01:11 PM

Chie Filomeno tinamaan sa sinabi ni Kyle Echarri tungkol sa PBB days: ‘Huwag tayo mandamay ng ibang tao’

Chie Filomeno, Kyle Echarri

TILA naapektuhan ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa sinabi ng singer-actor na si Kyle Echarri sa variety show na “It’s Your Lucky Day” kamakailan lang.

Sa recent episode ng programa, nagtanong ang TV host na si Luis Manzano sa kanyang kapwa-hosts kung ano ang desisyon na nagawa nila na pinagsisihan nila dati, pero pinagtatawanan na lang ngayon.

Isa sa mga sumagot ay si Kyle at inamin niya na ito raw ay ‘yung mga ginawa niya noong sumali siya sa season 10 ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition” noong 2021.

“Maging honest lang ako, sa totoo lang, pinagtatawanan ko ngayon ‘yung mga ginawa ko ‘nung PBB,” sagot niya.

Tugon naman sa kanya ni Luis, “Kagaya ng?”

Sambit ng singer-actor, “Panoorin niyo nalang po, nasa YouTube pa rin ‘yun.”

“Basta maraming nangyari doon. Pero palatandaan mga ka-Lucky, lagi kong sinasabi, never regret something that made you smile,” ani pa niya.

Dahil sa sinabi na ‘yan ni Kyle, talagang nasaktan si Chie at ibinandera pa ng aktres ang kanyang reaksyon sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account.

Baka Bet Mo: Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

“The amazing human beings inside that house made me understand people more on a deeper level,” wika niya sa tweet. 

Sey pa niya, “Never magiging katawatawa ang experience ko sa loob ng bahay [smiling face emoji] I will NEVER regret the things that made me smile [smiling face emoji].”

“‘Wag na lang tayo mandamay ng ibang tao para sa sariling benepisyo, tahimik na ang buhay ko eh,” aniya pa.

May isang netizen naman ang tila itinama ang maling pagkakaintindi umano ni Chie sa naging sagot ni Kyle.

Ayon sa nagkomento, hindi tao ang tinutukoy ng aktor kundi ang mga ginawang kalokohan sa loob ng bahay ni Kuya.

“Iba yata pagkaintindi mo miss @ChieFilomeno sa sinabi ni K.. I don’t think he was pertaining to the people na nakasama niya sa PBB house. It was the thing he ‘did’,” saad ng X user.

Paliwanag pa niya, “Marami naman siyang ginawa eh it could be in a different context than what you’re thinking.”

Sinagot naman siya ni Chie at sinabing wala sanang masasaktan kung sinagot ni Kyle nang maayos ang naging tanong ni Luis.

“Yes madami siya ginawa na tinanong naman ni sir Luis kung ano pero hindi sinagot kahit ISA, dami palang ginawa eh, edi sana sumagot siya, chance na niya yun oh,” reply niya sa netizen.

Dagdag pa niya, “If he was just CAREFUL with the words he used wala namang maapektuhan. Tao lang din ako masasaktan at masasaktan.”

“I did nothing but protect his name because I still care. Pero parang ang tagal naman ng pangbabastos po to [smiling face emoji],” patuloy niya.

Kung maaalala, naging usap-usapan noon kung ano nga ba ang tunay na relasyon nina Chie at Kyle noong nasa PBB pa sila.

Ilang beses nang nilinaw ng dalawa na magkaibigan lamang sila at close lang talaga sila.

“Magkaibigan lang po talaga kami. It has always been like that since PBB,” pahayag ni Kyle.

Chika pa niya, “Siyempre, may mga nakikita po ng mga fans, ginawan po ng twist, of course, may mga kilig moments na nakikita po sa PBB, pero ever since naman po talaga, hanggang ngayon magkaibigan lang po talaga kami.” 

Matatandaang magkasunod na na-evict ang dalawa kung saan ang unang lumabas ay si Chie at matapos ang isang linggo ay si Kyle naman.

Sa mga nakaraang interview ng aktres, inamin niya na nagme-message na sa kanya si Kyle bago pa man sila pumasok sa bahay ni Kuya.

Nasabi niya rin noon na naging crush niya ang singer-actor dahil sa nag-uumapaw nitong talento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

Chie Filomeno sa relationship status nila ni Jake Cuenca: You can say ‘dating’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending