Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya | Bandera

Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

Therese Arceo |December 09,2021
facebook
share this

Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

Therese Arceo - December 09, 2021 - 07:47 PM

Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

INAMIN ng model-actress na si Chie Filomeno na crush niya ang singer-actor na si Kyle Echarri na nakasama niya bilang kapwa housemate sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, December 12 ay natanong ang dalaga kung sino ang naging crush niya o nagustuhan romantically sa loob ng “PBB” house.

“Grabe naman ‘yung romantically! Pwedeng crush muna?” saad ni Chie.

Pagkatapos nito ay ipinakita ng dalaga ang larawan ni Kyle Echarri.

Agad namang nagtilian ang mga momshies pagkakita sa larawan ni Kyle.

“Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” sey ni Chie.

Nilinaw rin ng dalaga ang pagiging malapit niya kay Kyle habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.

Marami kasi sa mga netizens ang hindi natuwa sa kanilang “closeness” lalo na ang mga sumusuporta sa tambalang Kyle Echarri at Francine Diaz.

“Ang nagsabi sa akin actually ay ‘yung mga boss ng ‘PBB.’ Nag-debrief po kasi.

“And then, ‘yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po kasi kami ‘yung parang takbuhan namin ‘yung isa’t isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” pagpapaliwanag ni Chie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KyChie (@kychienation)

Matatandaang magkasunod na na-evict ang dalawa. Unang lumabas si Chie at matapos ang isang linggo ay si Kyle naman ang na-evict.

Sa mga nakaraang interview ni Chie ay inamin nito na nagme-message na sa kanya si Kyle bago pa man sila pumasok sa Bahay ni Kuya.

Mauwi kaya into relationship ang pagkakaroon ng “crush” ni Chie sa Golden Son ng Cebu o manatili na lamang sila as close friends?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang masama kung sakali dahil parehas namang single ang dalawa at aminin, may kakaibang chemistry rin ang dalawa lalo na noong nasa loob pa sila ng “PBB” house.

Well, abang abang na lang tayo kung magle-level up ba ang kanilang friendship into serious relationship.

Related Chika:
Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending