Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa 'PBB' | Bandera

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa ‘PBB’

Therese Arceo |November 27,2021
facebook
share this

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa ‘PBB’

Therese Arceo - November 27, 2021 - 11:31 AM

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa 'PBB'

HINDI naman maikakaila na talagang naging close ang GirlTrends member na si Chie Filomeno sa young actor na si Kyle Echarri habang nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Sa katunayan ay sa sobrang closeness ng dalawa ay naging issue ito sa outside world dahil naging hati ang opinyon ng mga netizens patungkol dito.

May ilan na hindi nagustuhan ang pagiging close nina Kyle at Chie dahil bago sumali sa “PBB” ay ka-love team na ni Kyle si Francine Diaz.

Pero nang nasa bahay ay napag-usapan rin nila kasama si TJ habang nasa kitchen ang tungkol sa mga love teams at inamin nito na “professional” sila ni Francine pagdating dito at kahit na wala silang relasyon ay inaalagaan nila ang isa’t isa.

Habang tumatagal ay kapansin-pansin na nga ang naging closeness nina Chie at Kyle kaya naman may mga netizens ang nagsimulang mag-ship sa kanila at tinawag silang “KyChie”.

Ngunit natigil ito nang tuluyan nang lumabas si Chie ng “PBB” house last week.

Sa isang interview ni Chie kay Bianca Gonzales ay inamin nito na nagme-message na si Kyle sa kanya bago pa man sila naging housemate.

Sa nasabing interview ay tinanong ni Bianca kung ano ang naging “misconception” ni Chie kay Kyle na nabasag nang pumasok sila sa “PBB”.

Dito ay sinabi ni Chie na akala niya ay maere si Kyle at ibinahaging nagme-message na sa kanya si Kyle noon pa man.

@imshannyyy Snobby pala tawag niya kay Chie 😂 #fyp #foryou #foryoupage #kychie #kyleecharri #chiefilomeno #pbb @echarripapi @chiefilomeno ♬ original sound – KYCHIE LANG

“Maere (mayabang) kasi tinatawag biya akong ‘snobby’ sa loob ng bahay kasi may mga messages siya ba di ko talaga pinapansin din.

“Kasi ako ‘yung tipo na siyempre di pa tayo nagmi-meet so di ko talga rereplyan or like magrereply ako few days after.

“So pinaalala niya sa akin ‘yun, syempre di ko maalala kunwari tapos ang tawag niya sa akin, snobby na talaga tapos sabi ko ‘Okay. Sorry na, sorry na’. Ang akala ko din talaga kasi maere siya kaya ‘yun din siguro na minsan kapag hindi rin siguro like naging close sa labas or pag mae-encounter ko siya, ‘hi, hello’ lang, ganon,” saad ni Chie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, posible kaya na magpatuloy ang closeness ng dalawa sa outside world ngayong nanganganib si Kyle na mapalabas sa Bahay ni Kuya? Tignan natin.

 

Related Chika:
Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea?
Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa ‘PBB’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending