Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa 'PBB' | Bandera

Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa ‘PBB’

Therese Arceo |November 18,2021
facebook
share this

Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa ‘PBB’

Therese Arceo - November 18, 2021 - 09:21 PM

Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa 'PBB'

TO the rescue si Rio Filomeno para dipensahan ang kapatid na si Chie Filomeno na nahaharap ngayon sa pangbabash ng mga netizens.

Ito ay matapos ang nagdaang 3rd nomination night ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” kung saan nakasama si Chie sa mga nanganganib na mapalabas sa Bahay ni Kuya.

Noon pa man ay marami na ang bumabatikos kay Chie dahil sa malakas nitong personalidad.

Kaya naman mas sumaya ang mga bashers ng dalaga matapos marinig ang naging dahilan ni Madam Inutz kung bakit niya binibigyan ng dalawang puntos si Chie.

Aniya, “Binibigyan ko ng 2 points si Chie. Ready na siya. Ready na siyang umalis kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda.”

Kaya naman agad na dinipensahan ni Rio ang kapatid lalo na at hindi ito makakapagsalita para dipensahan ang sarili.

“My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person.

“Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being a breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them,” pagtatanggol ni Rio kay Chie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIO (@romariofilomeno)

Aniya, hanggang ngayon ay nahaharap pa rin ang kapatid sa pambabatikos ng mga tao kahit na hindi naman nila kilala kung sino talaga ang dalaga.

“My sister is still facing cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is.

Cyber bullying just became a trend to them to join in the bandwagon of hating someone.

“All they have is yung mga false accusations nila and napaka unfair ng judgement nila. Ang masama din dito KAPWA BABAE pa nag bobody shame and nag spread ng misogyny about her,” dagdag pa ni Rio.

Samantala, may tweet naman ang dating housemate at nagwagi bilang 4th placer ng “Pinoy Big Brother: 737” na si Dawn Chang.

“Housemates, ang ibig sabihin ng PBB ay Pinoy Big Brother. Hindi PaBeBe. Contest yang sinalihan nyo hindi retreat.”

Bagamat walang binanggit na pangalan ay agad namang nag-conclude ang mga netizens na ang pinaparinggan niya ay ang dating kasamahan na si Chie.

Dating parte si Dawn girl group na “Girltrends” kung saan kasama niya si Chie.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa noong taong 2019 na nagdulot ng malaking lamat sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin noon si Chie kung may pagkakataon pang magkaayos sila ng kagrupo ay humindi ang dalaga.

“Wala na e. Kasi grabe na ang lamat na nilagay so I’d rather not to be plastic about it.”

Related Chika:
Madam Inutz pasabog ang rebelasyon matapos ang ‘PBB’ 3rd nomination night

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending