Madam Inutz pasabog ang rebelasyon matapos ang ‘PBB’ 3rd nomination night
HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang naging pahayag ng social media personality na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay na kasalukuyang housemate sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.
Ito ay patungkol sa nasabi niya sa nagdaang 3rd nomination sa nasabing kompetisyon kung saan ibinoto niya sina Chie at Kyle.
“Binibigyan ko ng 2 points si Chie. Ready na siya. Ready na siyang umalis kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda,” umpisa ni Madam Inutz.
“Isang puntos si Kyle kasi po para siyang may katulong sa bahay. Talagang as in, wala siyang ano [pagkukusa] sa paglilinis,” dagdag pa niya.
Agad namang kinagiliwan ng madlang pipol ang “Mama-bentang Online Seller ng Cavite” sa pagiging straightforward nito at pagpapakatotoo sa loob ng bahay ni Kuya.
“Madam Inutz for president,” comment ng isang netizen.
“Bilib talaga ako kay Madam Inutz. Napakatotoong tao. Alam na alam niya sino ang walang ambag sa bahay ni Kuya,” saad pa ng isang netizen.
May nagsasabi pa na mas lalong tumaas ang tsansa ni Madam Inutz na maging big winner dahil sa pagpapakatotoo nito sa PBB house.
Ngunit kung may mga naaliw sa pagpapakatotoo ni Madam Inutz ay may nainis rin sa kanya na mga taga-hanga nina Kyle at Chie na napasama nga sa listahan ng mga posibleng lumabas sa bahay ni Kuya.
Nagsalita naman ang kapatid ni Chie na si Rio Filomeno at sinabing huwag masamain ang mga sinabi ng housemate sa nagdaang nomination night.
Marahil ito ay patungkol na rin sa nag-viral na pahayag ni Madam Inutz sa kanyang kapatid.
View this post on Instagram
“Kung ano man sinabe ng mga nag-nominate kay ate… we respect and understand your side po. Please stop hating on the housemates and support na pang po. Salamat,” say ni Rio.
“Kung ano man ang reason ng bigyan ng housemates si ate ng vote para ma-nominate, let’s all respect it. Don’t bash,” dagdag pa nito.
Related Chika:
Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya
Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.