Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya
MASAYA ang “Pinoy Big Brother Kumunity 10” celebrity housemate Madam Inutz matapos siyang payagan ni Big Brother na ipagpatuloy ang kanyang online live selling sa loob ng PBB House ngunit sa limitadong oras at piling araw lamang.
Ito ay para patuloy na makatulong si Madam Inutz sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na may sakit at may gamot na kinakailangang bilhin at inumin para mapanatili ang maayos nitong kalagayan.
“Salamat at pinayagan tayo sa Bahay ni Kuya mag live selling sa fan page ko every Tuesday at Friday ng 10AM to 11:30AM,” pagpapasalamat ni Madam Inutz.
Ngunit dahil na rin sa rules na kailangang sundin ni Madam Inutz na walang contact sa outside world ay bawal ang shoutout at ang pagmumura kung saan siya kinagiliwan.
“Pero hindi ako makakashoutout at mura dahil no contact outside the world tayo sa PBB,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman si Madam Inutz sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.
“Salamat sa suporta at pag intindi nyo mga inutz!!
“At sa lahat ng may order mag PM lang sa fan page at yung screenshoy para maasikaso ng admin ko. Love you all.”
Matatandaang bago pa man siya pumasok sa Bahay ni Kuya ay isa na siyang online seller.
Dito nga rin siya unang nakilala dahil sa nakaka-aliw niyang pagbebenta ng mga panindang damit kaya naman madalas nang tumambay ang mga netizens sa kanyang live kahit na wala naman silang balak bumili.
Naging kontrobersyal naman ang pagsikat ni Madam Inutz nang bigla itong pumirma ng kontrata sa Star Image Artist Management na agad niyang binawi matapos umani ng batikos mula sa netizens.
Dito na nga niya nakilala si Wilbert Tolentino na siyang naging talent manager niya. Bago pa man ito ay nagpaabot na ng tulong si Momshie Wilbert kay Madam Inutz pati na rin sa maysakit niyang ina.
Isang sorpresa na bahay at lupa rin ang ibinigay ng kanyang talent manager bilang motivational gift sa kanyang pagpasok sa “PBB Kumunity Season 10”.
Related Chika:
Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil
Madam Inutz puno ng pagmamahal sa kabila ng pagmumura
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.