Madam Inutz puno ng pagmamahal sa kabila ng pagmumura | Bandera

Madam Inutz puno ng pagmamahal sa kabila ng pagmumura

Therese Arceo |August 18,2021
facebook
share this

Madam Inutz puno ng pagmamahal sa kabila ng pagmumura

Therese Arceo - August 18, 2021 - 04:25 PM


AMINADO si Daisy Lopez o mas nakilala bilang Madam Inutz na ang napapanood ng madlang pipol online ay malayo sa Madam Inutz sa totoong buhay.

Sa isang exclusive interview niya sa talent manager at host na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Madam Inutz ang istorya ng kaniyang buhay.

Si Madam Inutz ay sumikat matapos mag-viral ang video nito sa kaniyang pag-oonline selling kung saan nagpapa-mine siya ng damit na pwede raw ipang-burol.

“Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa video, hindi talaga ‘yun si Inutz,” paglalahad ng instant social media star.

Ayon sa kaniya, bagama’t madalas talga siyang magmura, pinipigilan niya ito sa tuwing kasama ang kanyang mga anak.

Si Madam Inutz ay may tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Ang mga lalaki ay anak niya sa dating asawa at ang bunso ay anak niya sa ex-boyfriend na foreigner.

Dagdag niya, nagsimula siyang magbenta ng ukay-ukay dahil na rin sa pandemya. Nagsimula raw siyang ibenta ang mga damit niya para magkaroon ng pang-gastos araw-araw.

“Ako lang ‘yung inaasahan so ito ang naisipan kong negosyo. Ito ‘yung mabisa kasi kumbaga hindi ka na makalabas, sarado ang mga malls. So ito lang ‘yung paraan para medyo kumita ka ng pera, magka-income ka,” kuwento niya.

Siya lang kasi ang inaasahan ng mga anak pati ng bed-ridden na ina.

Inulan rin siya nang batikos dahil sa sexy nitong pananamit. Isang basher nga raw ang nag-comment kung ano raw na ang binebenta niya, kung katawan o mga damit na sinagot naman niya ng “both”.

“Kasi kung para lang din sa pamilya mo, puwede mo ngang ibenta ‘yung katawan mo para may maipakain ka sa pamilya mo. Just be practical na lang,” sagot niya.

Dito na raw nagsimulang magmura at magsabi ng inutil si Madam. Meron daw mga natuwa at meron namang nabastusan sa mga sinabi niya.

“Mayroong mga taong huhusgahan ka kahit hindi ka kilala,” dagdag nito.

Dumating rin sa punto na puro pa-shoutout na lang ang kaniyang nakikita sa comments at wala nang nagma-mine sa mga items niya.

Mayroon pa raw pagkakataon na dumami ang nagpapdala sa kanya ng pera noong i-pin ng kaniyang pamangkin ang Gcash account niya. Dito raw siya nagpabili ng alak at nakipagchikahan at murahan na lang sa mga viewers.

Umabot raw ng P132,000 ang kanyang natanggap mula sa netizens na kaniyang inilagay sa bangko dahil nais niyang magtabi ng pera para sa mahal sa buhay.

“Gusto ko makabili ng bahay para sa mga anak ko at saka sa nanay ko. Kasi hindi natin alam kung kailan papantay ‘yung paa natin so gusto ko may maiwan man lang galing sa ‘kin na pinaghirapan ko, mabigay ko sa mga anak ko,” saad niya.

Bilib si Ogie Diaz sa pagmamahal ni Madam Inutz sa pamilya at sa kaniyang ina.

Chika nito, alahas raw talaga ang negosyo niya at may foreigner itong dyowa noon. May pera at ipon siya subalit naubos nang maospital ang ina ng dalawang buwan.

“Pero wala akong pinagsisihan, nakita ko nandyan (ang) nanay ko,” sagot nito.

Ang ina raw ang dahilan kung bakit puno siya ng pagmamahal sa buhay. Naging inspirasyon niya ito dahil nasaksihan niya ang hirap at sakripisyo ng ina para itaguyod silang siyam na magkakapatid.

Hindi man raw nito naibigay ang lahat ng magagarbong bagay sa kanila, mahal na mahal niya ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malaki rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga natuwa at nagbigay sa kaniya dahil malking tulong ito sa kaniyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending