Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil | Bandera

Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil

Reggee Bonoan |August 19,2021
facebook
share this

Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil

Reggee Bonoan - August 19, 2021 - 04:57 PM

Wilbert Tolentino at Madam Iuntz

BENTANG-BENTA ngayon sa social media ang online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay.

Halos lahat kasi ng social media influencers ay gusto siyang maka-collab lalo na nu’ng nag-trending siya dahil sa pagmumura niya na ayon sa kanya ay biro lamang pero kapag nasa harap naman siya ng pamilya at mga anak niya ay never siyang nagsalita ng hindi maganda.

Napanood namin ang panayam ni Ogie Diaz kay Madam Inutz sa Showbiz Update YouTube channel nito at nalaman namin na breadwinner ang single mom with three kids at sa kanya pa nakatira ang bedridden niyang nanay.

Nalaman ding maraming nagbigay ng ayuda kay Madam Inutz dahil ang kinikita niya sa online selling ay hindi sapat para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Isa na ang kilalang Mr. Gay World titlist, businessman, social media infuencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagpahatid ng tulong kay Madam Inutz na talagang abut-abot ang pasalamat ng huli.

Itinago pa raw niya ang huling ipinadala ni Wilbert para sa future ng mga anak at hopefully madagdagan pa para makapagpatayo siya ng bahay para sa kanilang mag-iina.

Ang kabuuang naibigay ni Wilbert ay P100,000 para kay Madam Inutz at P100,000 sa ermat niya na may sakit. Sa loob ng dalawang araw ay umabot na sa 1.6 million ang views nito.

May pa 2-minute shopping challenge rin ang pilantropo para kina Madam Inutz at Herlene Budol na umabot sa hundred thousand ang total na nakuha ng bawa’t isa.

At ngayong wala ng manager si Madam Inutz dahil nagpa-release na siya sa Star Image Management kamakailan at marami ang nagpayong magpa-manage na lang siya kay Wilbert dahil maaalagaan siya at nasa mabuting kamay ito.

Tsika ng nakakakilala ng personal kay Wilbert, “Hindi mag-aaway ‘yan sa pera dahil mayaman ang sinasabing pumapangalawa kay Willie Revillame sa pagbibigay ng ayuda. Hindi nila pag-uusapan ang komisyon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending