KC super excited na sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: 'Fairytale come true pa rin naman, di ba?' | Bandera

KC super excited na sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: ‘Fairytale come true pa rin naman, di ba?’

Ervin Santiago |October 25,2023
facebook
share this

KC super excited na sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: ‘Fairytale come true pa rin naman, di ba?’

Ervin Santiago - October 25, 2023 - 03:09 PM

KC super excited na sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: 'Fairytale come true pa rin naman, di ba?'

PARA kay KC Concepcion, pwede pa ring mangyari sa tunay na buhay ang mga fairytale na pinapangarap ng mga little girls.

Isang dream come true at answered  prayer para sa actress-entrepreneur ang reunion concert ng kanyang parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na magaganap na bukas, October 27, sa SM MOA Arena.

Ito nga ang “Dear Heart” concert ng dating mag-asawa na napakatagal hinintay ng mga loyal supporters ng nag-iisang Megastar at Ultimate Leading Man ng local showbiz.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si KC ng mga litrato ng kanyang mga letters para sa inang si Sharon noong bata pa siya kalakip ang baby photos niya with her parents.

Sa isang letter ay nakalagay ang mensaheng, “Dear Mommy…

“I hope I can go with you now. I love you so much. I will write you always again okay.

“Sana papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter.

Baka Bet Mo: KC Concepcion umaming ‘kerengkeng’ sa socmed, tinawag na ‘batang kalye ng Paris’: Gusto ko ring mag-Divisoria, pero…’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I love you so much talaga okay,” aniya.

Sa caption na inilagay ni KC sa kanyang post, hindi niya akalaing mabibigyang katuparan pa ang “fairytale” na matagal na niyang pinapangarap na matupad. Ang tinutukoy nga ng dalaga ay ang reunion project nina Sharon at Gabby.

“Sometimes talaga ang fairytale will remain to be a fairytale lamang… Pero that’s okay!

“Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life. Imagine, 3 days nalang at magsasama sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years…

“May ganito pa palang pwedeng mangyari!!!

“Fairytale come true parin naman, diba?

“Letters to Mama. Care of mama,” ang buong mensahe ni KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandamakmak ang nagkomento sa post ni KC kabilang na ang kanyang boyfriend na si Mike Wuethrich, “Super excited for you (heart emoji).”

Related Chika:
KC Concepcion umaming OK ang lovelife, pero tipid na tipid mag-share: ‘It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo’

KC Concepcion malalim ang hugot tungkol sa pamilya: ‘Ginagawa ko po ang lahat para maging mabuting anak at mabuting ate’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending