KC Concepcion umaming 'kerengkeng' sa socmed, tinawag na 'batang kalye ng Paris': Gusto ko ring mag-Divisoria, pero...' | Bandera

KC Concepcion umaming ‘kerengkeng’ sa socmed, tinawag na ‘batang kalye ng Paris’: Gusto ko ring mag-Divisoria, pero…’

Reggee Bonoan - October 15, 2023 - 05:40 PM

JETSETTER nga ba si KC Concepcion?  Parati kasi siyang nasa ibang bansa base sa mga ipino-post niya sa kanyang Instagram account.

Nalaman namin na work-related pala ang paglilibot ng singer-host-actress sa ibang bansa sa panayam niya sa YouTube channel ni Yorme Isko Moreno na “Iskovery Night” na in-upload kahapon, Sabado.

“Akala po kasi ng mga tao, ‘ay nagje-jetset si KC ang hindi nila alam actually I go around to work kasi mayroon akong jewelry business naghahanap akong supplier, naghahanap ako ng kung anu-anong connections na puwede kong aralin ‘yung ways nila.

“Yung mga platero rito hindi ko mapuntahan, mayroon akong gustong puntahan at matutunan na hindi ko magawa dito,” paliwanag ng dalaga kung bakit siya laging nasa ibang bansa.

Tanong kaagad ni Yorme Isko, “Why?  Starstruck sila?”

Baka Bet Mo: KC Concepcion malalim ang hugot tungkol sa pamilya: ‘Ginagawa ko po ang lahat para maging mabuting anak at mabuting ate’

Natawang nahiya si KC, “Hindi ko po alam kung ganu’n pero nagiging hadlang po minsan ‘yung masyado kang expose hindi ka anonymous kapag naghanap ako ng supplier nagmamahal grabe magpatong pag ako ako talaga ‘yung bumibili.”

“Very common talaga nagmamahal,” sabi ng “Iskovery Night” host.

Dagdag pa ng dalaga, “Tapos hindi mo pa sure kung okay ‘yung quality. Mahihiya kang magsabi na, ‘ay hindi po pasado sa quality na gusto ko, siyempre you want to support local businesses kaya puwede ko ‘yun gawin sa ibang lugar (bansa).

“Kaya kahit po as much as gusto kong sumabak sa gubat ng (alahasan) dito sa Binondo at kung saan-saan, unfortunately hindi ko magawa unless mag-disguise ako,” aniya pa.

Kaya kapag nakikitang lagi si KC sa iba’t ibang bansa ay hindi siya pasyal-pasyal lang, “Kasi naman kerengkeng lang ako sa Instagram pero hindi nila alam ang dami ko nang nagawa that day.

“Workaholic po ako, I cannot just travel, magpa-vlog ako kaya ‘yung Kristina Concepcion vlog ko bitbit ko pa rin, vlog pa rin ako nang vlog at nag-umpisa ako sa Paris. May kolum ako sa newspaper dito habang nakatira ro’n.

“And sine-share ko sa mga tao kung ano ‘yung experience ko ng estudyanteng Pilipina sa Europe and I think nakatulong ‘yun na makilala ako ng tao hanggang ngayon dala-dala ko ‘yun,” aniya pa.

Sang-ayon naman si Yorme dahil sa mga tips na ibinabahagi ng dalaga tulad ng tipid, practical at housekeeping tips.

Sabi pa ni KC, “Living alone tips, mga recipe na natutunan natin, life hacks doon.”

At dito inamin ng dalaga na ang tawag sa kanya ay “Batang Kalye ng Paris” dahil mas nakikita siya kung saan-saang lugar na naglalakad at bumibili kung saan-saan.

Natawa naman si Yorme sa narinig kay KC. Bakit nga ba? “Ganu’n ba batang kalye ng Paris? Kasi dito Yorms, may sabihin ako sa ’yo, never pa akong nakapag-commute sa Pilipinas.”

Singit ni Yorme, “Pero sa Paris?” “Batang kalye ako sa Paris. Ha-hahaha! Sad, di ba?” tumatawang sagot ng dalaga.

“Oo nga ‘no! But you can’t blame yourself because you have to protect also yourself,” say naman ni Yorme Isko.

Related Chika:

Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: ‘Prayers for Sylvester’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending