KC Concepcion 'kinilig' sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: Pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap | Bandera

KC Concepcion ‘kinilig’ sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: Pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap

Reggee Bonoan - August 24, 2023 - 09:13 AM

KC Concepcion 'kinilig' sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: Pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap

HINDI halos makapagsalita si KC Concepcion nang hingan siya ng reaksyon sa unang beses na pagsasama ng magulang niyang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa isang concert na gaganapin sa MOA Arena sa Oktubre 27.

Pagkatapos kasing maghiwalay nina Sharon at Gabby noong 1987 ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong mag-show ang dalawa. Ikinasal ang sila noong 1984 at napawalang bisa naman ang kasal noong 1993.

Base sa napanood naming panayam ni KC sa YouTube channel ni Random Republika, “Hays (sabay hawak sa dibdib at buntong hininga), guys alam n’yo ako lang ang anak nila! So, I don’t think nararamdaman ng iba ‘yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions but of course nanaig ‘yung happiness ko kasi pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo (at) magkaibigan.

“So, hopefully..guys ipag-pray nating lahat (sabay cross ng fingers) na part talaga ng friendship nila na (nag-iisip), Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don’t get me wrong. Hindi na but just happy ‘yung light lang and parents ko ‘yan. I always say and para sa lahat it’s a show pero para sa akin guys, totoong buhay ko ‘to (kinilig).”

Sa tanong kung may special participation si KC sa show ng magulang niyang Dear Heart.

“Sana naman po ‘no kasi male-left out ako kung hindi, ha, ha, ha,” naiiyak na sagot panganay nina Sharon at Gabby.

Dagdag pang sagot ni KC sa tanong na pagkalipas ng maraming taon ay emosyonal pa rin siya kapag napag-uusapan ang magulang.

“It’s exciting, tears of joy. It’s a dream come true not just for me but for Sharon-Gabby fans who dreamed and enjoyed their loveteam. Siyempre kung may isang nage-enjoy ng loveteam nila ako ‘yun kaya nga ako nandito, ha, ha ha,” masayang sabi niya.

Baka Bet Mo:  KC Concepcion ibinandera na ang mukha ng dyowang Fil-Swiss, nag-date sa France

Samantala, kinumusta ang love life ng singer-actress at isang malakas na halakhak ang sagot nito.

“Siyempre ang hirap naman kapag nag-iisa ka, siyempre maganda ‘yung feeling na may kasamam meron kang kasama pero for now, ganu’n palang po.

“Wala pa talaga akong big next step or anything pagdating sa personal life ko and trust me dito naman ako lumaki (showbiz) and hindi po ako complete kung hindi kop o ‘yun ma-share sa mga tao.

“Pilit kong pina-private ang life ko pero hindi nakakalusot kasi parang hindi ko kayang i-private lahat ha, ha, ha, ha,”masayang kuwento ng dalaga.

Ano ang status ngayon ni KC sa lalaking masasabing nagpapasaya sa kanya, si Steve Michael Wuetrich, 41-year old Filipino-Swiss nan aka-base sa Switzerland.

“Getting to know (pa rin),” kaswal na sagot ng aktres.

Anyway, pino-promote ni KC ang pelikulang nagawa niya sa ibang bansa na ipalalabas dito sa Pilipinas, ang Asian Persuasion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
KC Concepcion ibinandera ang ‘closeness’ sa mga kapatid sa ama, nag-bonding sa Tagaytay

Kiko Pangilinan binati si KC Concepcion: Hope you liked our simple surprise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending