KC Concepcion ibinandera ang ‘closeness’ sa mga kapatid sa ama

KC Concepcion ibinandera ang ‘closeness’ sa mga kapatid sa ama, nag-bonding sa Tagaytay

Pauline del Rosario - July 17, 2023 - 11:49 AM

KC Concepcion ibinandera ang ‘closeness’ sa mga kapatid sa ama, nag-bonding sa Tagaytay

PHOTO: Instagram/@kristinaconcepcion

PROUD na ibinandera ng actress-singer na si KC Concepcion ang masayang bonding moments kasama ang kanyang ama na si Gabby, pati na rin ang kanyang little sisters na sina Samantha at Savannah.

Para sa kaalaman ng marami, ang nabanggit na mga kapatid ng aktres ay mga anak ni Gabby sa misis na si Genevieve Yatco Gonzales.

Makikita sa Instagram post ni KC na ipinagdiwang nila ang birthday ni Savannah sa isang restaurant sa Tagaytay City.

Kalakip niyan ang pahayag ng aktres kung gaano niya kamahal ang kanyang mga kapatid.

Caption niya, “Saturday with my sisters! [happy face with heart eyes emoji] ILYSM @thesamanthaconcepcion & Ava!!! [fairy emojis].”

Baka Bet Mo: Sharon ibinandera ang pagiging proud nanay sa Hollywood movie ni KC: Show the world what you’ve got!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Maraming netizens naman ang bumilib at humanga sa pagiging mabuting ate ni KC.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Parang mas happy at peace si KC sa father’s side niya. You are the best Ate KC ever to your sibs [red heart emoji].”

“The right thing to do for a blended family. Good job KC [red heart emoji].”

“Nice bonding! Si Kristina mabait na ate sa lahat ng kapatid niya [red heart emojis].”

Kamakailan lang ay nag-bonding si Gabby at KC sa isang YouTube vlog na kung saan ay inalala at binalikan nila ang ilang masasayang moments together. 

Napaiyak pa nga ang actress-singer nang mapagkwentuhan nilang mag-ama ang muli nilang pag-uusap makalipas ang halos dalawang dekada.

Naalala ni KC na kinakabahan daw siya nu’ng panahon na ‘yun dahil matagal din daw niya hindi narinig ang boses ng kanyang ama.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla

Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending