Francis super sweet na asawa kay Pia, sey ng publicist na si Pilar Mateo: 'Hindi sila perfect but I saw a very happy and loving couple' | Bandera

Francis super sweet na asawa kay Pia, sey ng publicist na si Pilar Mateo: ‘Hindi sila perfect but I saw a very happy and loving couple’

Ervin Santiago |October 23,2023
facebook
share this

Francis super sweet na asawa kay Pia, sey ng publicist na si Pilar Mateo: ‘Hindi sila perfect but I saw a very happy and loving couple’

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 02:57 PM

KUNG ang dating publicist ni Francis Magalona na si Pilar Mateo ang tatanungin, hindi raw papatulan ni Pia Magalona ang paglantad ng babaeng nakarelasyon umano noon ng kanyang asawa.

Marami nang naglabasang isyu at kontrobersya tungkol sa yumaong Master Rapper pero never daw sumagot o pumatol sa mga ito ang biyuda ni Francis M.

Sa pagpapakilala ng dating stewardess na si Abegail Rait sa publiko kasama ang anak daw nila ni Francis na si Gaile Francesca, iba’t iba ang naging reaksyon ng publiko, pero karamihan nga ay ang pagkuwestiyon sa kanilang motibo.

Mas uminit pa ang isyu ngayon nang biglang nagsalita ang dating aktor at concert producer na si Robby Tarroza na nagsabing hindi raw kasal sa Pilipinas sina Pia at Francis kaya kung tutuusin ay hindi raw matatawag na kabit si Abegail.

Kasunod naman nito ang paglabas ng mga lumang litrato ng celebrity couple na kuha raw sa kasal ng mga ito sa Hong Kong noong late 80s na unang ipinost ng publicist ni Francis ng ating colleage and friend na si Pilar Mateo sa FB noong July, 2015.

Baka Bet Mo: Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: ‘I hope you accept me, I don’t have bad intentions’

Nakausap namin si Ms. Pilar tungkol sa isyung ito at natanong nga namin siya kung ano ang mga naaalala niyang moments with Francis and Pia.

“Yung tungkol sa kasal nila, simple lang naganap na wedding in HK. Parang nagbakasyon lang kami. In one of the courts there (naganap ang kasal),” simulang pagbabahagi ni Ms. Pilar.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa dalas ko sa bahay nila that time, I saw a very happy and loving couple. Pia as the one managing FM’s career was very hands on talaga pagdating sa trabaho ni Francis.

“On the homefront both were doting parents to the kids. Very loving sa mga anak nila. Lalo na si FM na very close sa mga bata,” simulang pagbabahagi ni Ms. Pilar na isa sa mga veteran writers sa showbiz industry.

Patuloy pa niya, “The kids then were Pia’s Unna Sarah and Nicolo (anak sa unang partner) and then sina Maxene, Saab and the baby bunso pa then was Elmo.

“Masaya noon! Because we would go on tour around the country with them. He was Gary Vs front act in one of his concerts. Nag-collab din sila ni Joey Ayala. Nag-perform din siya sa ‘Two in A Room.’

“Hanggang sa magkaroon ng demandahan with a producer kasama ako and other members of the press. Lumipad na lang yung producer na di nagbayad sa kanila,” pag-alala pa ni Pilar.

Aniya pa about Francis and Pia, “Masaya sila. Sweet couple. Not perfect. May away-away din. Wala pa sa Eat Bulaga that time si FM. But I could say happy family, happy couple.”

Dugtong pa niya, “‘Di naman nawawala ang away at tampuhan. Natatandaan ko nu’ng nagugulo ako sa relationship ko, silang dalawa ang nasa likod ko. But that’s another story.

“Naging busy na rin ako when he entered na Eat Bulaga. But at certain times nadadalaw ako, ihahatid pa ako niyan papunta ng Cubao.

“Kung may babae that time, ang alam ko as far as I am concerned, parang mahirap at halos araw-araw nga kami magkakasama sa bahay nila in Katipunan. After doon sa may Project 4 sa may Hi-Top,” aniya pa.

“Sa pagkakilala ko kay Pia, she will not talk anymore. Nor stoop down sa ganitong sitwasyon. Actually, alam ko lumabas na yan dati pa. She kept mum at ‘di na nag-react.

“Kung meron pala iba pang family after several years na nagsama sila, then live and let live. Ako sa ganyan, can relate. May mga kapatid ako sa  ibang nanay. Pero di ko naman binastos ang mga kapatid ko sa labas. Let go. Let God.

“Wala sa personalinad ni Pi ang makipagbangayan pa sa mga ganyang bagay. Unang-unang poprotektahan niyan ang mga anak nila. But she’s a feisty woman.

“I have not seen nor talked to Pia for the longest time. Like I said, hindi na ‘yan magsasalita,” sabi pa ng veteran showbiz writer.

Aniya pa, “Basta during my time with them, nakita ko how loving they were to each other. May mga problema man, petty ones na ‘di nila naso-solve. Iba rin ang ka-sweetan nila.

“Kung may pumasok na iba, after so many years na nanahimik naman daw, that’s her side of the story. Wala na si FM. Let his soul rest in peace,” aniya pa.

Related Chika:

‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francis M, Pia Magalona nagpakasal sa Hong Kong, dating publicist naglabas ng resibo; pero may bisa nga ba sa Pinas?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending