Francis M, Pia Magalona nagpakasal sa Hong Kong, dating publicist naglabas ng resibo; pero may bisa nga ba sa Pinas?
SIGURADONG hindi pa matatapos ang kontrobersya sa paglantad ng babaeng umano’y dating nakarelasyon ni Francis Magalona at ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
Matapos umamin ang dating flight attendant na si Abegail Rait na naging dyowa niya ang Master Rapper at nagkaroon pa ng anak na si Gaile Francesca, hot topic naman ngayon kung kasal ba sina Francis at Pia Magalona.
Ito’y dahil na rin sa rebelasyon ng dating aktor at concert producer na si Robby Tarroza na hindi raw kasal dito sa Pilipinas ang celebrity couple kaya ang paniniwala ng ilang netizens hindi raw pala kabit si Abegail.
“WALA KASI TAYONG DIVORCE SA PILIPINAS!!!! But even with kasal, ang tanong, WAS KIKO MARRIED TO PIA???! No, she was married to another guy with last name Lim and they had a son, Niccolo and daughter Unna, Who Many of us knew this!” ang pasabog na post ni Robby sa Facebook.
View this post on Instagram
“So for all you judgemental people that did not know the real story, Francis and pia were already seperated before he got into this amazing relationship. He deserved to experience real love at least once in his lifetime. I knew them both, pia and francis,” aniya pa.
Kasunod nito, kalat na ngayon ang mga lumang wedding photo daw nina Francis at Pia sa social media na nagmula naman sa Facebook account ng showbiz writer at dating publicist ng yumaong TV host-actor na si Pilar Mateo.
Makikita sa isang litrato na parehong nakasuot ng formal attire sina Francis at Pia na kuha raw sa Hong Kong at ipinost sa FB ni Pilar noong July 6, 2015. May caption itong, “Wedding in HongKong of Francis Magalona and Pia.”
Sa pakikipag-chat namin kay Ms. Pilar nang tanungin namin about the wedding photo, sinabi niyang, “Not sure na sa exact date. Late 80s na yata yan. Kasagsagan na of FMs career nu’ng sumikat na rin ang (hit song niyang) Mga Kababayan.”
Samantala, sa gitna ng pagkalat ng old photos nina Pia at Francis, hati pa rin ang reaksyon ng publiko. May mga nagtanong pa kung valid ba sa Pilipinas ang kasal nila sa Hong Kong.
View this post on Instagram
“Ang tanong, is the marriage accepted in the Philippines if totoong hindi pa anulled si Pia sa former husband nya?”
“Never married in the Philippines naman nga daw sabi nun isang nagpost. Ang tanong lang dito legal kaya tong kasal na to? Kasi kung kasal pala si Pia sa una, invalid pa din tong marriage nya kay Francis M.”
Baka Bet Mo: Herlene Budol super idol si Pia Wurtzbach: Sobra po akong na-inspire sa payo n’yong ‘never give up on your dream’
“Bkt pag sa iba bansa ba kinasal pwd at legal ang mkipag relasyon sa iba kht nde pa hiwalay in legal process?”
“Kung sa Hongkong ikinasal, hindi valid sa Pinas lalo kung kasal na si Pia sa Pinas bago pa sila ikasal. I’m team Pia so medyo sad ako rito. Unless may marriage cert na valid, pictures wont do anything.”
“Bakit ba binubuhay pa isyu, eh yumao na po si sir Francis M. Respect nlng po diba po?”
“Matagal ng nmayapa c FM pero ung mga issue llong dumarami bka.. Mbigla nlmg kau lht bumalik c FM at pg kukutusan kau dhil s mga walang katuturang issue nyan.”
“Kahit saang lupalop pa yan ikinasal, pagdating dito sa pilipinas ay kasal parin nyan..wagkang ano.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.