Herlene Budol super idol si Pia Wurtzbach: Sobra po akong na-inspire sa payo n'yong 'never give up on your dream' | Bandera

Herlene Budol super idol si Pia Wurtzbach: Sobra po akong na-inspire sa payo n’yong ‘never give up on your dream’

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

Herlene Budol super idol si Pia Wurtzbach: Sobra po akong na-inspire sa payo n’yong ‘never give up on your dream’

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 01:50 PM

Pia Wurtzbach at Herlene Budol

KAHIT nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola, tuluy-tuloy lang si Herlene Budol sa paghahanda para sa pagrampa niya sa nalalapit na Binibining Pilipinas pageant.

Isa ang Kapuso TV host-comedienne sa 40 kandidata na maglalaban-laban sa grand coronation night ng nasabing national pageant na magaganap sa July 31.

Ayon kay Herlene o Hipon Girl, iniaalay niya ang kanyang journey sa pagsabak niya sa Binibining Pilipinas sa namayapa niyang lola at umaasa na patuloy siyang gagabayan nito habang siya ay nabubuhay.

Kaya nga sa bawat official activity ng sinalihang pageant, palaging ang kanyang Nanay Bireng ang inaalala niya at ginagawang inspirasyon kasabay na pag-aalay dito ng dasal.

Kahapon naman, June 13, super grateful si Herlene dahil nakaharap at nakilala niya nang personal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa raw sa kanyang mga idol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Ipinost ni Herlene sa Instagram ang litrato nila ni Pia na magkasama at nilagyan ng caption na, “Activities for today with Miss Universe 2015 – PIA WURTZBACH. Isang malaking karangalan po para kay Hipon Girl niyo na makasama si Ate Pia.

“(Nakakamotivate) at (inspire) ang journey niya sa beauty pageant at hanggang ngayon kahit naging successful na siya ay nananatili pa rin ang kanyang kababaang loob. Isa kang tunay na huwaran, Ate Pia,” mensahe pa ng dating co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin.”

Sa isa pa niyang IG post, pinasalamatan ni Herlene si Pia sa pagbibigay sa kanya ng ilang advice na magagamit niya sa kanyang pangarap na maging beauty queen.

“Ate Pia, Thank you sa mga words of wisdom mo para sa pangkalahatan ng batch namin sa Binibining Pilipinas 2022. Sobra po ako na-inspire du’n sa never give up on your dream!

“Masarap sa pakiramdam kung araw araw may natututunan tayo sa lahat na bagay kapag may ipinaglalaban ay matutupad. Salamat po ng sobra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saludo po ako sa husay at galing mo Miss Universe 2015 – Pia Wurtzbach,” sabi pa ni Hipon Girl.

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending