Pia Magalona pinuri ng netizens sa kabila ng paglantad ng 'ex-lover' ni Francis M | Bandera

Pia Magalona pinuri ng netizens sa kabila ng paglantad ng ‘ex-lover’ ni Francis M

Therese Arceo |October 20,2023
facebook
share this

Pia Magalona pinuri ng netizens sa kabila ng paglantad ng ‘ex-lover’ ni Francis M

Therese Arceo - October 20, 2023 - 12:25 PM

Pia Magalona pinuri ng netizens sa kabila ng paglantad ng 'ex-lover' ni Francis M
MARAMI sa mga netizens ang humanga kay Pia Magalona sa kabila ng paglabas ng dating karelasyon ng kanyang namayapang asawang si Francis Magalona.

Matatandaang nagulat ang madlang pipol sa naging rebelasyon ng dating flight attendant na si Abegail Rait nang lumabas ito sa vlog ni Boss Toyo na “Pinoy Pawnstars” upang ibenta ang isang jersey na ibinigay nito sa kanya.

Ngunit sa likod pala ng simpleng pagbebenta ng jersey ng master rapper ay amg istorya ng diumano’y pagiging unfaithful nito sa asawa niyang si Pia.

Ayon kay Abegail, nagkakilala sila sa “Eat Bulaga” noon at hiningi nito ang kanyang number at doon na nagsimula ang kanilang pagkakaroon ng relasyon na nagresulta sa pagkakaroon ng anak at ito nga si Gail Francesca.

Sa kabila ng kanilang paglantad ay wala pa ring pormal na pahayag si Pia maging ang kanilang mga anak ni Francis pero dumagsa ang suportang natatanggap ng nila mula sa mga netizens.

Sa katunayan, maraming mga netizens ang naghayag ng kanilang paghanga sa naiwang asawa ng yumaong master rapper.

Baka Bet Mo: Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang ‘ex-lover’ ni Francis M

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Talk of town ang pag show up ng shabit, I stand with Pia Magalona and her children, the legal family,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “grabe lang, @piamagalona protected and preserved the legacy of her husband all her life tapos sisirain lang at one snap ng kabet. nananahimik na si francis m, sana man lang nanahimik nalang yung kabet.”

“Grabe rin talaga patience nung side nila Pia Magalona. Kahit isa sa mga anak, wala pa ring reaction sa ingay na ginawa nung mistress. Oh well, they’re not required naman to react but their silence is making the kabit looks like a small-time clout chaser,” sey pa ng isa.

Dagdag pa ng isa, “Saludo ako kay @piamagalona sa lahat ng ‘to.”

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Pia at ng kanilang mga anak ni Francis Magalona hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending