Maxene Magalona kay Pia Magalona: Happy birthday to the first Filipina rapper
PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang naging birthday greeting ng aktres na si Maxene Magalona sa kanyang inang si Pia Magalona.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinandera ng aktres ang mga larawan nilang magkasama ng ina kalakip ng kanyang mensahe para rito.
“Happy birthday to the first Filipina rapper @piamagalona,” saad ni Maxene.
Kalakip rin ng kanyang post ang kantang “Loving You” kung saan maririnig ang boses ni Pia.
“This is her beautiful voice that you can hear in the song called, ‘Loving You’ which she recorded with Papa for his first album Yo!” chika pa ni Maxene.
Ibinandera rin ng aktres ang pinakaimportanteng lesson na natutunan niya sa kanyang ina.
Baka Bet Mo: Maxene Magalona may pa-tribute sa 59th birthday ni Francis M; ibinandera ang 8 hindi mababayarang pamana ng ama
View this post on Instagram
“The most important life lesson that I learned from her is to love and choose myself no matter what because according to her, ‘In the end, all you really have is yourself’,” lahad ni Maxene.
Kamakailan lang rin nang gunitahin niya ang kaarawan ng yumaong ama na si Francis Magalona.
“To celebrate what would have been Papa’s 59th birthday, here is a short snippet from my interview with him back in 1996 for 5&Up, an educational TV show for young adults,” pagbabahagi ni Maxene kalakip ang video kasama ang kanyang ama.
Makikita doon ang pag-feature sa mga nagawa ng ama bilang isang musikero at ang pagsasagawa ng kanyang album noon na “Happy Battle”.
Bukod rito, ibinandera rin ni Maxene ang walong leksyon na natutunan niya sa kanyang ama.
Related Chika:
Maxene Magalona nag-share ng 6 tips para sa mas solid na relasyon kay Lord: ‘God wants to be your best friend’
Maxene tuwang-tuwa nang makapasok uli ng sinehan; nagbigay ng 8 benefits ng regular na pagtakbo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.