Jinkee tanggap ang anak ni Manny sa ibang babae, nag-dialogue pa raw ng, 'Go ahead, suportahan mo ‘yan' | Bandera

Jinkee tanggap ang anak ni Manny sa ibang babae, nag-dialogue pa raw ng, ‘Go ahead, suportahan mo ‘yan’

Ervin Santiago |October 23,2023
facebook
share this

Jinkee tanggap ang anak ni Manny sa ibang babae, nag-dialogue pa raw ng, ‘Go ahead, suportahan mo ‘yan’

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 01:42 PM

MUKHANG tanggap naman ni Jinkee Pacquiao ang umano’y isa pang anak ng kanyang mister na si former Sen. Manny Pacquiao sa ibang babae.

Mismong si Jinkee pa nga raw ang nag-advice sa Pambansang Kamao na suportahan ang anak nitong si Emman Bacosa na isa na ring boksingero ngayon.

Sa isang episode ng “Showbiz Update” YouTube channel ng talent manager na si Ogie Diaz, nagbigay siya ng ilang detalye about Manny’s son sa babaeng nakarelasyon umano nito noon.

Ayon kay Papa O, isang source raw ang nagsabing okay lang kay Jinkee na bigyan ng kaukulang suporta ni Pacquiao ang kanyang anak na si Emman Bacosa.

“According to my source na kaibigan ni Jinkee, ‘yung friend namin ni Jinkee, sinabi raw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na, ‘go ahead, suportahan mo ‘yan kasi anak mo ‘yan,'” ang pahayag ni Ogie.

Baka Bet Mo: Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweet-an, netizens pinakilig: ‘Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan’

May mga litrato rin daw na naglabasan sa social media kung saan makikita si Manny at si Emman na magkasamang nagte-training ng boksing.

“Kasi may picture si Emman at si Manny Pacquiao na magkasama. Kasi kung itinatago naman ni Manny yun, hindi siya magpapa-picture.

“At hindi siya makikipagkita siguro. At hindi niya dadalawin yung anak niya na nag-eensayo ng boxing,” ang katwiran pa ni Papw O.

Sabi pa ni Papa O, ang mahalaga naman daw talaga ay parehong ina-acknowledge nina Manny at Jinkee si Emman.

Si Emman ay anak ni Joanna Rose Bacosa, ang babaeng humihiling noon ng child support kay Manny taong 2006 at 2011. Lumantad din siya noon sa publiko para manawagan na sana’y kilalanin din ni Pacquiao ang kanilang anak.

Matatandaang nakipagbakbakan si Emman sa naganap na “Blow by Blow” event na iniisponsoran ng MP Promotions na pag-aari ni Manny Pacquiao.

Bukas ang BANDERA sa anumang magiging pahayag nina Manny at Jinkee hinggil sa isyung ito.

Related Chika:

Aljur Abrenica tanggap na tanggap na ng pamilya ni AJ Raval; hindi pa rin umaamin kung totoong may anak na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending