Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweet-an, netizens pinakilig: 'Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan' | Bandera

Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweet-an, netizens pinakilig: ‘Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan’

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweet-an, netizens pinakilig: ‘Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan’

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 07:18 AM

Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweetan, netizens pinakilig: 'Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan'

Manny at Jinkee Pacquiao

NAGPASABOG ng kilig at good vibes ang celebrity couple na sina Manny at Jinkee  Pacquiao sa bago nilang mga paandar sa social media.

Ibinandera kasi ng mag-asawa kamakailan ang kanilang mga lambingan moments sa pamamagitan ng Facebook na pinusuan at ni-like ng kanilang mga tagasuporta.

Super flex ang dating senador sa pagiging sweet hubby kay Jinkee kung saan makikita sa ipinost niyang litrato ang paghalik sa kamay ng kanyang pinakamamahal na misis. Magkatabi silang nakaupo sa isang sasakyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)


Nilagyan ito ng Pambansang Kamao ng caption na, “Joy ride with my beautiful wife! Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan. Samot ko og ka in-love sa akong misis.”

Sa iba pa nilang litrato, para silang mga teenager na nilalanggam sa sobrang kaswitan na tila ayaw nang maghiwalay dahil sa higpit na pagkakahawak nila sa kamay ng isa’t isa.

Baka Bet Mo: Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa sweet photos nina Pacman at Jinkee na karamihan ay nagsabing nami-miss na nilang mapanood sa telebisyon ang dating senador at boxing champ.

“Manny, big salute to you for being the best fighter & lover.”

“Yes you deserve each other and what a lovely couple. And you are a really nice kind.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)


“There are many reasons I admire you! This is one of them! The way you love your wife and family is amazing!”

“You are an amazing couple! And yes it’s true: love grows as we get older!”

“Manny its a family man , policity for the people and a hard work champion!!! All my respect!”

“Both of you are just beautiful souls! Be good to each others always.”

“Keep the fire burning idol Manny! God Bless you and your family.”

Sa iba pang social media post ng mag-asawa ay makikita naman ang kanilang mga litrato na kuha sa pagbabakasyon nila sa Jeju Island sa South Korea.

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending