Gazini todo ang pag-aalala sa pamilya na nasa gitna ng giyera

Gazini Ganados todo ang pag-aalala sa pamilya na nasa gitna ng giyera: I’m scared, disturbed, deeply saddened…

Pauline del Rosario - October 21, 2023 - 02:39 PM

Gazini Ganados todo ang pag-aalala sa pamilya na nasa gitna ng giyera: I’m scared, disturbed, deeply saddened…

PHOTO: Instagram/@gazinii

TILA wasak ang puso ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist group na Hamas.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Gazini ang litrato ng kanyang ama na naka-confine sa isang ospital, pati na rin ang ilang screenshots ng naging conversation nila ng kanyang kapatid at step mom na naiipit ngayon sa nabanggit na digmaan sa Gaza.

Paglalarawan pa ng beauty queen, siya ay “heartbroken” sa naging sitwasyon ng kanyang Palestinian family, lalo na’t recently lang siya nagkaroon ng ugnayan sa kanyang biological father.

“This has been a heartbreaking week for so many of us. I’m scared, disturbed, deeply saddened. We can always be doing more,” caption niya.

“I’ve been silent regarding the conflict about the war between Israel and Palestine because as some of you may know I recently just kept in touch with my father and my family who is now living in Palestine, Gaza,” patuloy niya.

Si Gazini ay pinalaki ng kanyang ina at ng kanyang lolo’t lola dito sa Pilipinas, habang ang kanyang ama naman ay una niyang nakilala nitong January 2020.

Bukod sa pag-aalala sa pamilya, nagpahayag din ng pakikiramay ang beauty queen para sa mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay na dulot ng giyera.

Baka Bet Mo: Julie Anne, Rayver ibinahagi ang karanasan matapos maipit sa giyera sa Israel: Ito ‘yung time na kailangan na nating magdasal and really have faith

“I would like to express my deep sorrow for the Israelis who have lost their lives and been injured in the dreadful terrorist attacks,” wika niya.

Saad pa niya, “Hamas killing civilians was horrible but Israel countering by killing [10 times] more civilians is beyond insane.”

“I cannot remain silent in the face of the Israeli government’s attempt to seek revenge from innocent civilians for the terrorist attack,” caption niya sa post.

Dagdag pa niya, “I will not remain silent about this genocide either specially that my family’s life depends on it.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gazini Ganados (@gazinii)

Sa comment section, makikita na nagpaabot ng dasal ang ilang kapwa-beauty queens.

Kabilang na riyan sina Pia Wurtzbach, MJ Lastimosa, Beatrice Gomez, Steffi Rose Aberasturi, Nikki de Moura, Tracy Perez, Niccole Borromeo, Samantha Bernardo, at marami pang iba.

“Unimaginable horror and violence. Praying for your family Gaz,” komento ni Pia.

Saad ni MJ, “Disheartening when is this going to stop. Playing victims while wiping Palestinians off the map.”

Lahad ni Beatrice, “This is sickening. Praying for the victims of this war especially the helpless women and children. Praying for you and your loved ones too Jaz.”

“This is so heartbreaking.. praying for you, the innocent people in Palestine & your family’s safety Gazini [white heart emoji],” wika naman ni Nikki.

Magugunitang October 7 nang mag-umpisa ang digmaan sa Gaza matapos magsagawa ng surprise attack ang Hamas.

Sa loob ng ilang araw, umabot na sa 1,400 Israelis ang namatay dahil sa giyera.

Nitong October 17, isang malaking pagsabog ang nangyari sa isang ospital sa Gaza kung saan hindi bababa sa 200 ang mga pumanaw.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boy Abunda: Marami ang nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit, pero marami ring nagmamahal sa akin…

John Lloyd nakiramay sa mga taga-Afghanistan: Maging matatag kayo at matapang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending