MTV EMA Awards kinansela dahil sa Israel-Hamas war

MTV EMA Awards kinansela dahil sa Israel-Hamas war, nominasyon ni Moira Dela Torre matutuloy pa kaya?

Pauline del Rosario - October 20, 2023 - 12:39 PM

MTV EMA Awards kinansela dahil sa Israel-Hamas war, nominasyon ni Moira Dela Torre matutuloy pa kaya?

MTV EMA 2023, Moira Dela Torre

KANSELADO na ang awards night ng 2023 MTV Europe Music Awards (EMAs) sa darating na Nobyembre na gaganapin sana sa Paris.

Ayon sa social media post ng MTV EMA, ito ay dahil sa ongoing conflict o gyera sa pagitan ng Gaza at Israel.

“Given the volatility of world events, we have decided not to move forward with the 2023 MTV EMAs out of an abundance of caution for the thousands of employees, crew members, artists, fans, and partners who travel from all corners of the world to bring the show to life,” saad sa X post.

Dahil, aniya, sa nangyayari sa mundo ay hindi raw ito ang tamang panahon upang magdiriwang.

Baka Bet Mo: Moira dela Torre nominado sa 2023 MTV EMA, pambato ng Pinas sa ‘Best Asia Act’ category

Dagdag sa post, “The MTV EMAs are an annual celebration of global music. As we watch the devastating events in Israel and Gaza continue to unfold, this does not feel like a moment for a global celebration.”

“With thousands of lives already lost, it is a moment of mourning,” lahad pa.

Nilinaw naman ng award-giving body na matutuloy pa rin ang botohan at bibigyan pa rin ng parangal ang mga mananalong artists.

“Voting is continuing and the winning artists will receive their MTV EMA Awards,” saad sa caption.

Ani pa, “We look forward to hosting the MTV EMAs again in November of 2024.”

Ang ibig sabihin niyan, hindi mauudlot ang nominasyon ng OPM singer-songwriter na si Moira Dela Torre.

Magugunitang isa siya sa mga nominado para sa highly competitive category na “Best Asia Act” kung saan ang ilan sa mga makakalaban niya ay ang BE:First ng Japan, Bright from Thailand, Tiara Andini of Indonesia, at ang sikat na K-pop global group na Treasure mula South Korea.

Kaya mga ka-BANDERA, kung gusto niyong manalo ang ating pambato na si Moira, pwede siyang iboto sa pamamagitan ng MTV EMA website.

Matatapos ang botohan sa October 31, 11:59 p.m. CET o November 1, 5:59 a.m. oras ng Pilipinas.

Samantala, ang nangunguna sa mga nominasyon ay ang international pop superstar na si Taylor Swift.

Pito ang ipinaglalaban niyang kategorya kabilang na ang “Best Artist,” “Best Song” at “Best Video.” 

May six nominations naman ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo at American singer-songwriter na si SZA na lumalaban din sa “Best Artist,” “Best Song” at “Best Video” awards.

Nominado naman sa tatlong awards ang BTS member na si Jung Kook at ito ang first time niya bilang solo artist.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending