Julie Anne, Rayver, Boobay safe na nakauwi sa Pinas matapos abutan ng bombahan sa Israel | Bandera

Julie Anne, Rayver, Boobay safe na nakauwi sa Pinas matapos abutan ng bombahan sa Israel

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Julie Anne, Rayver, Boobay safe na nakauwi sa Pinas matapos abutan ng bombahan sa Israel

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 11:14 AM

Julie Anne, Rayver, Boobay safe na nakauwi sa Pinas matapos abutan ng bombahan sa Israel

Boobay, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

SAFE na nakauwi sa Pilipinas ang celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, pati na rin si Boobay matapos abutan ng giyera sa Israel.

Nakansela ang “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” concert ng JulieVer at ni Boobay na magaganap sana sa Tel Aviv, Israel dahil nga sa nagaganap na kaguluhan sa nasabing bansa.

Nakatakda sanang maganap ang “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” sa Smolarz Auditorium sa Tel Aviv University ngunit nakansela na nga ito dahil sa giyera.

Baka Bet Mo: John Lloyd nakiramay sa mga taga-Afghanistan: Maging matatag kayo at matapang…

Kagabi, nakabalik na sa bansa ang grupo nina Rayver at Julie Anne at ang buong Sparkle team mula sa Tel Aviv ilang araw makalipas mag-announce ang gobyerno doon ng lockdown.

Dumating ang mga Kapuso stars sa Clark International Airport kagabi, October 9, base na rin sa mga recent post nila sa social media.

Pagbabahagi nina Julie Anne, safe naman sila sa Tel Aviv nang sumiklab ang giyera doon pero talagang naririnig nila ang mga nagaganap na pagsabog mula sa kapalit na mga lugar.

Nalungkot at nanghinayang naman ang buong grupo na hindi na natuloy ang kanilang concert.

Pero sabi nga ni Julie Anne, talagang natakot sila sa mga nangyari dahil first time nilang na-experience ang ganu’ng sitwasyon at senaryo.

Todo-pasalamat naman sina Julie Anne, Rayver at Boobay sa lahat ng mga nagdasal at nag-alala para sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-thank you din sila sa GMA Network at sa Sparkle management na nag-alaga sa kanila sa Israel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending