Boy Abunda: Marami ang nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit, pero marami ring nagmamahal sa akin... | Bandera

Boy Abunda: Marami ang nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit, pero marami ring nagmamahal sa akin…

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 07:29 AM

Boy Abunda: Marami ang nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit, pero marami ring nagmamahal sa akin...

Boy Abunda

HINDI napigilang mapaiyak ng King of Talk na si Boy Abunda nang muling makaharap ang ilang kaibigan niya sa entertainment media kamakalawa ng gabi.

Talagang naging emosyonal si Tito Boy nang kumustahin siya at tanungin ang lagay ng kanyang puso ngayon, “Okay na hindi okay.”

Dito na tuluyang bumigay ang award-winning TV host, “Ahhhh, wow! Tama ka, I’m okay but I’m not okay.

“Okay ako dahil napakalaki nitong pagsalubong sa akin ng GMA 7. I am deeply, deeply grateful. Mula kay Atty. (Felipe) Gozon, kay Lilybeth (Rasonable) hanggang Ardie, kay Cesar Cosme na nakasama namin sa mga meetings. Kay Loi, kay Bang, kay Janine, lahat-lahat-lahat-lahat. Kay Rommel, kay Reylie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


“I’m okay and I am honored. I am deeply honored by the welcome that I have been given. I’m deeply, deeply honored. But I’m not okay. I’m not okau dahil…dahil nakipag-iyakan din ako habang nagpapaalam.

“Pumanaw ang nanay ni Bong (Quintana), my partner, kahapon. It’s not easy. These are tough times. And kaka-celebrate lang namin ng death anniversary ng nanay.

“Katulad ng marami, alam mo yun, halu-halo ang pakiramdam mo. Kanina nga, paalis ako ng bahay, si Bong has a runny nose.

“Sabi ko, ‘Mag-iingat ka,’ kasi nandito pa rin talaga tayo sa gitna ng pandemyang ito. So, bumabalik ako from not okay to okay, to not okay, to okay.

“Dahil nalampasan natin. Lumaban tayo nang maayos. Nami-miss ko ang nanay. Yun,” paliwanag ni Tito Boy.

Noong December 1, 2019 pumanaw ang pinakamamahal na ina ni Tito Boy na si Licerna Capito Romerica Abunda o Nanay Lesing noong. Siya ay 90 years old.

Samantala, nagkomento rin si Tito Boy sa pangnenegang naranasan niya noong kasagsagan ng kampanya para sa May, 2022 presidential elections.

Inamin niya na talagang bugbog-sarado at durog siya pagkatapos ng one-on-one interview sa mga presidential candidates na sina Leni Robredo at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

“That’s for another engagement. Pero tama ka, I will have to tell my story at one point. I will have to tell my story.

“Bugbog-sarado ako. Lahat na yata ng salita, nagamit na laban sa akin. Pero ipinagtanggol din ako ng maraming tao,” pahayag ni Tito Boy.

“Maraming nagmamahal. Marami ang pumukol, nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit. Pero du’n ko na-realize na iba na talaga ang mundo. Du’n ko rin na-realize na hahawak ako, aangkla ako du’n.

“Sa mga taong mahal ko, sa mga taong… kaya katulad halimbawa, somebody asked me earlier, ‘How do you handle bashers?’ Sabi ko… hindi naman bashers. ‘How do you handle somebody like Bong?’

“You know, Bong my partner of many years would tell me after, halimbawa, a good interview, I felt I did a good interview, sabi ko, ‘Bobong, ganda ng interview ko!’ ‘Ganda mo!’ ‘Gago ka pa rin!’

“You know, somebody who doesn’t take you seriously but who treats you the way you are.

“Kaya ang ipagmamalaki ko lang sa lahat ng pinagdaanan ko, taas-baba ng karera ko, gusto mo man o hindi ang trabaho ko, may inuuwian akong pamilya at mga tao who love me without conditions,” sabi pa ng TV host.

Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you

Maxene Magalona may tips para magkaroon ng ‘inner peace’: First, we pray…then we play

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boy Abunda tatakbo nga bang senador sa Eleksyon 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending