Netizens hindi agree sa 'hanash' ni Julia Montes tungkol sa panloloko: 'Cheaters will be always cheaters!' | Bandera

Netizens hindi agree sa ‘hanash’ ni Julia Montes tungkol sa panloloko: ‘Cheaters will be always cheaters!’

Therese Arceo |October 18,2023
facebook
share this

Netizens hindi agree sa ‘hanash’ ni Julia Montes tungkol sa panloloko: ‘Cheaters will be always cheaters!’

Therese Arceo - October 18, 2023 - 05:07 PM
Netizens hindi agree sa hanash ni Julia Montes tungkol sa panloloko: 'Cheaters will be always cheaters!'

NAGKAROON ng diskusyon ang madlang netizens ukol sa naging saloobin ng Kapamilya actress na si Julia Montes hinggil sa isyu ng panloloko o cheating.

Nitong Lunes, October 16, nag-guest ang aktres kasama ang kanyang leading man na si Alden Richards sa Kapamilya morning program na “Magandang Buhay”.

Dito ay natanong sina Julia at Alden kung kaya pa ba nilang ipaglaban ang relasyon kung sakaling umabot ito sa sitwasyon na may cheating involved.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang pananaw ni Julia Montes tungkol sa cheating.

Base sa mechanics ng kanilang laro ay tatapat ang dalawa sa “Romance” kung kaya pang isalba at “Break Up” naman kung tatapusin na ang relasyon.

Tumapat naman si Julia sa “Romance” na ang ibig sabihin ay handa itong magbigay ng panibagong pagkakataon sa karelasyon sa kabila ng panloloko nito.

Paliwanag ng aktres, kahit na handa siyang magbigay ng pagkakataon ay may limitasyon ito.

Baka Bet Mo: Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let’s cross the bridge when we get there

https://www.instagram.com/p/CyhU94YPI33/?img_index=1

“Wala namang perfect. Aminin natin in a relationship mayroon isa or minsan, hindi ko naman nilalahat, ‘di ba, baka dalawa kayong nagkamali for a time. Pero hindi naman necessarily na ‘pag nagkamali sa‘yo, hihiwalayan mo na agad,” saad ni Julia.

Maaari raw kasing baka noong mangyari ang cheating ay may pagkukulang ang isa sa isa.

Sey ni Julia, “Pero kung wala, doon ka na lang magtanong sa sarili mo… Doon naman mag-iiba ‘yung kuwento. Kaya feeling ko ang cheating, ‘pag ilang beses na, too much.

“Pero ‘pag nadapa, ang mindset ko lang, ‘pag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kanya? Ibang tao na? Ibang babae na? O ikaw pa rin na partner [niya]?”

Subalit may mga netizens ang tila hindi agree sa mga sinabi ni Julia ukol sa “cheating”.

“Never! Cheaters will be always cheaters! The more you give them a chance, the more they will take you for granted. They will hop from one relationship to another. Para yang cancer na mahirap gamutin lalo kung habitual na,” sabi ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “Medyo dissapointed ako don sa stand ni julia montes about sa cheating.”

“Cheating is a choice. Huwag mo ng tulungan tumayo hayaan mo siya,” hirit ng isa.

Dagdag pa ng isa, “Nakakaloka mindset ni julia montes about cheating. my ghad! hindi porke may pagkukulang ang isang tao ay may right na para manloko o gumawa ng mali.”

“Definitely no. Cheating is not part of the ups and downs of a relationship. Let us set a clear boundary here,” giit naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Julia sa mga naging komento ng madlang pipol sa kanyang opinyon ukol sa panloloko.

Related Chika:

Julia Montes naki-join na sa mundo ng TikTok, viral ang first-ever dance cover

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes wala pang balak magpakasal kay Coco Martin: No rush with everything…enjoy lang muna yung journey’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending