Neri Miranda may 'praning moments': 'Lalo na kapag may sakit ang mga anak ko, doon ako nagbe-breakdown, nanginginig ako!' | Bandera

Neri Miranda may ‘praning moments’: ‘Lalo na kapag may sakit ang mga anak ko, doon ako nagbe-breakdown, nanginginig ako!’

Ervin Santiago |October 17,2023
facebook
share this

Neri Miranda may ‘praning moments’: ‘Lalo na kapag may sakit ang mga anak ko, doon ako nagbe-breakdown, nanginginig ako!’

Ervin Santiago - October 17, 2023 - 07:28 AM

Neri Miranda may 'praning moments': 'Lalo na kapag may sakit ang mga anak ko, doon ako nagbe-breakdown, nanginginig ako!'

Chito Miranda at Neri Miranda

MAGSE-CELEBRATE na ng kanilang 9th wedding anniversary ang celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Miranda sa darating na December.

Kaya naman talagang hashtag #RelationshipGoals ang peg ng mag-asawa na kinabibiliban ng kapwa nila celebrities, mga kaibigan at pati na ng mga netizens.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nag-share sina Chito at Neri ng ilang mahahalagang detalye about their married life.

Pahayag ni Chito, “Masaya, maraming struggles pero enjoy kasi alam namin na tag team talaga kami.”

Inamin din ng Parokya ni Edgar frontman na kapag may pagtatalo sila ng kanyang wifey o merong hindi pagkakaunawaan, ay siya ang medyo confrontational.

“Ngayon natuto na ako na mas tama iyong palamig muna ng ulo. Maybe because I am a songwriter kapag emotional dapat capture the moment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Hindi pala dapat iyon kasi kapag nasa height of emotion magka-clash pero once it dies down, kalmado na kami. Natuto na ako na hintayin ko na lang siyang lumabas ng kuwarto,” paliwanag pa ng OPM icon.

Ayon naman kay Neri na tinaguriang “Wais na Misis”, marami siyang natutunan kay Chito tungkol sa tamang paggastos at paghawak ng pera kaya naman napalago niya nang bonggang-bongga ang kanilang mga negosyo.

Baka Bet Mo: Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko

Sey ni Chito, “I just really support her with what she’s doing.”

Pahayag ni Neri kay Tito Boy, “Doon ako natuto sa kanya. Noong nag-aartista siyempre nasanay ako na may darating na trabaho, so gagastusin ko kung anong mayroon ako.

“Binibilang ko na agad. May utang na ako. Noong nakilala ko si Chito, nakita ko kung gaano siya kawais sa pera. Siya talaga ang nagturo sa akin on how to save money including insurance.

“Gusto ko iyong ginagawa ni Chito na hindi man siya maluho pero hindi naman niya dine-deprive iyong sarili niya. Mayroon siyang ipon. May nai-invest siya. May konting luho,” lahad ng aktres.

Inamin naman ni Neri na may pagkakataon ding nawawala siya sa focus at inaatake rin ng takot, “Lalo na kapag may sakit ang mga anak ko. Nakikita talaga doon ako nagbe-breakdown. Nanginginig ako!”

Sey naman ni Chito, “I think basta pagdating sa kids nawawala iyong diskarte mo because spoiled talaga iyong kids sa kanya. Sasabihin ko na ito lang iyong toys. Ito lang iyong ibili mo na toy because maa-outgrow rin niya iyan. Pagdating ang dami nang na-order.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Paliwanag naman ng kanyang misis, wala siyang gaanong laruan noong bata pa siya kaya nais niyang maranasan ng kanyang mga anak ang magkaroon ng maraming toys.

At sa tanong kung bibigyan sila ng pagkakataon na mag-renew ng kanilang vows, ano ang magiging mensahe nila para sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Dito na naging emosyonal si Neri, “Gusto ko mag-thank you kay Chito. Actually, lagi naman akong nagpapasalamat kay Chito kasi siya talaga iyong lakas ko, Tito Boy.

“Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Baby, be healthy kasi kung mawawala ka talagang totally hindi ko alam mangyayari sa akin.’ Kasi alam naman ng mga tao na talagang grabe akong ipagtanggol ng asawa ko.

“Grabe iyong suporta niya sa akin and walang taong gumawa at gagawa noon kundi iyong asawa ko. So, I love you,” pahayag ni Neri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Chito, “Life-changing rin talaga because before rock and roll talaga ako. Gusto ko lang mag-live ng life kung paano ko gusto and when I want to die, I’ll just die. Pero with her and my family, nagkaroon ako ng bigger reason than myself.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending