Marc mas natakot kay Dina kesa kay Bossing Vic noong nanliligaw kay Danica: Si Mommy D pulis talaga yan! | Bandera

Marc mas natakot kay Dina kesa kay Bossing Vic noong nanliligaw kay Danica: Si Mommy D pulis talaga yan!

Ervin Santiago |October 30,2022
facebook
share this

Marc mas natakot kay Dina kesa kay Bossing Vic noong nanliligaw kay Danica: Si Mommy D pulis talaga yan!

Ervin Santiago - October 30, 2022 - 08:30 AM

MAS natakot at na-pressure ang dating professional basketball player na si Marc Pingris kay Dina Bonnevie kesa kay Vic Sotto noong nanliligaw pa lang siya kay Danica Sotto.

Mahigit 15 years nang nagsasama sina Marc at Danica bilang married couple at biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Anielle Micaela at Jean Michel. At very soon ay isisilang na rin ang kanilang third baby.

Si Marc ang bisita sa “Surprise Guest with Pia Arcangel” kung saan inalala nga ng cager ang naging kaganapan noong nililigawan pa lang niya si Danica.

Pagbabahagi ni Marc, naging friends muna sila ni Danica bago niya ito niligawan. Makalipas ang anim na buwan, sinagot na siya ni Danica.

Kuwento ng former PBA player, “makaluma” rin ang style ng panliligaw niya kay Danica. Talaga raw personal siyang nagpapaalam kay Bossing Vic kapag magde-date sila ni Danica.

“‘Sir puwede ba kaming pumunta ng Baguio ni Danica?’ Or ‘Puwede ba kaming umuwi ng province?’ Nagpapaalam talaga ako,” aniya

Sa tanong kung kanino siya mas kinabahan noong nililigawan niya si Danica, kay Bossing ba o kay Dina, “Kay Mommy D (Dina) dahil siya ‘yung matanong. Kasi si daddy (Vic) relax lang, so kapag nakaupo siya roon, hindi magtatanong ‘to.

“Si Mommy D pulis talaga ‘yan, hindi lang pulis, sundalo talaga ‘yan,” natatawang sagot ni Marc.

Sa ngayon ay excited na sina Marc at Danica sa nalalapit na pagsilang ng kanilang third baby at handang-handa na raw silang mag-asawa na maging hands-on nanay at tatay.

In fairness, isa sa mga mag-asawa sa showbiz na talagang hashtag #RelationshipGoals ang pagsasama nina Marc at Danica dahil bumibilang na nga ng 15 years ang pagsasama nila.

Marami nga ang nagsasabi na magaling mag-alaga ng relasyon si Danica kaya naman tumagal sila nang bonggang-bongga.

May nagkokomento naman na dahil sa loyalty at pagiging responsableng asawa at ama ang isa sa mga sikreto sa intriga-free at solid na solid na pagsasama nina Marc at Danica.

Read more:

Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy; Bossing Vic may funny hirit

Anak nina Danica Sotto at Marc Pingris nadale ng dengue: Thank you Jesus for healing Caela! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marc Pingris inamin ang tunay na dahilan ng pagreretiro sa PBA; Danica, anak napaiyak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending