Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy; Bossing Vic may funny hirit | Bandera

Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy; Bossing Vic may funny hirit

Therese Arceo |September 17,2022
facebook
share this

Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy; Bossing Vic may funny hirit

Therese Arceo - September 17, 2022 - 04:18 PM

Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy, Vic Sotto may funny hirit
MASAYANG ibinahagi nina Danica Sotto at asawang Marc Pingris ang mga ganap sa gender reveal ng kanilang pangatlong anak.

Nitong Biyernes, September 16, inamin ng mag-asawa na ang kanyang stepmother na si Pauline Luna at cousin-in-law na si Joy Sotto ang unang nakaalam kung ano ang gender ng kanilang third baby.

“Sobra kaming grateful kasi they organized this day, itong event na ito, itong gender reveal. First time kong makakaranas ng gender reveal… First time namin kasi hindi pa naman uso dati,” saad ni Danica.

Diretsahang inamin naman ni Marc Pingris na lalaki ang gusto niyang maging third baby ngunit kung ano mang gender ang ibigay sa kanila ay tatanggapin nila basta healthy ito.

“Siyempre ganyan naman mga magulang. Minsan may preference sa gender ng anak pero at the end of the day, magkaroon tayo ng happy and healthy baby,” lahad ni Danica.

Aminado rin ang anak ni bossing na medyo naging mahirap rin para sa kanya ang mga unang buwan ng pagbubuntis dahil ilang taon na rin buhat nang manganak siya sa kanilang pangalawang anak.

Chika pa niya, wala raw talaga silang ideya kung ano ang magaganap sa gender reveal dahil sina Pauleen ang naging punong abala sa lahat at very intimate lang daw talaga ang kanilang event.

Halos lahat naman ng mga dumalo sa gender reveal ay naniniwalang babae ang magiging third baby nina Danica at Marc.

Kahit nga ang bunso nilang kapatid na si Tali ay sinasabing babae ang magiging anak ng panganay na kapatid.

Bago ang main event ay nagkaroon muna ng games at nagtanong-tanong rin muna si Pauleen kung ano sa tingin ng mga um-attend ang magiging gender ng ikatlong Pingris.

Marami nga ang natawa nang ang ama na ni Danica na si Vic Sotto ang sumagot sa tanong at boy rin ang nais niyang maging gender ng paparating niyang apo.

“Gusto ko lalaki… para lumaganap ang mga Pingris. Masyado nang maraming Sotto. Tigilan n’yo na. Marami na. Pingris naman,” sey ni Bossing Vic.

Agree naman ang kapatid ni Danica na si Oyo Boy sa ama at sinabing boy rin ang gusto niya.

Kaya naman labis ang tuwa ng lahat nang makitang blue ang kulay ng confetti kaya ang ibig sabihin ay lalaki ang magiging baby no. 3 ng mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

“It’s a boy! Tuwang-tuwa kami kanina. Talagang napatalon kami ni Caela at karamihan ng mga tao… Talagang pinagpe-pray ko na sana it’s a boy,” sey ni Marc.

“Sobrang blessing na we will be able to have another child and another blessing from the Lord God. We’re also happy na we we’re able to spend time with our family and friends,” dagdag naman ni Danica.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa nag-organize ng kanilang party na sina Pauleen at Joy. Super thankful rin sila sa lahat ng mga kaibigan at kapamilyang dumalo sa gender reveal sa kabila ng kanilang mga busy schedules.

Related Chika:
Danica Sotto tinamaan ng COVID-19 pagkatapos magpa-booster shot, 2 anak nahawa rin

Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Danica Pingris may update sa pagbubuntis: I’m really feeling every symptom

Marc Pingris nag-retire na sa PBA: #PinoySakuragi15 signing off…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending