Cristy Fermin isiniwalat ang dahilan kung bakit nawala sa Streetboys si Yexel Senatian | Bandera

Cristy Fermin isiniwalat ang dahilan kung bakit nawala sa Streetboys si Yexel Senatian

Therese Arceo |October 14,2023
facebook
share this

Cristy Fermin isiniwalat ang dahilan kung bakit nawala sa Streetboys si Yexel Senatian

Therese Arceo - October 14, 2023 - 05:44 PM

Cristy Fermin isiniwalat ang dahilan kung bakit nawala sa Streetboys si Yexel Senatian
BINALIKAN ng kolumnistang si Cristy Fermin ang dahilan kung bakit nawala noon sa Streetboys ang kontrobersyal na si Yexel Sebastian.

Sa kaniyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez ay napag-usapan nila ang dating Streetboys member dahil natunog ang pangalan nito sa kasalukuyan matapos masangkot sa diumano’y ₱200-million investment scam.

Bago nabanggit ni Cristy ang toy collector, una na nilang napag-usapan ang nangyari sa aktor na si Ricardo Cepeda matapos itong arestuhin dahil sa kasong syndicated estafa.

At dahil nga napag-uusapan na ang scam, dito na na niya nabanggit ang kasalukuyang issue kay Yexel.

“Mga kapatid po natin, kababayan nating OFW ang inimbita niya na mag-invest sa kanya. May dalawang milyon, isang milyon, pinakamababa dalawang daang libong piso,” umpisa ni Cristy.

Aniya, kahit na dating miyembro ng sikat boy group si Yexel ay hindi naman ito gaanong kasikatan hindi gaya nina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin may pa-blind item sa kilalang aktres na nagising na may mga paso ng sigarilyo sa braso, binti: ‘Paano nangyari ‘yun?!’

Nabanggit pa nga ng kolumnista ang larawang ibinahagi ni Yexel kung saan makikita ang napakaraming pera na patung-patong na umano’y investment raw sa kanila ng ating mga kababayan.

“Nakakalungkot isipin na ang dami niyang hinimok na kababayan natin na mag-invest sa kanyang kumpanya. Ang itinuturo po niya ay isang nagngangalng Hector na ngayon ay hindi na makita. Siya raw ay biktima rin,”sabi pa ni Cristy.

Matapos nito ay napag-usapan nila ang kwento sa likod ng pagkawala ni Yexel sa Streetboys.

Ito raw ay may kaugnayan sa pagsabi niya ng hindi totoo ukol sa paglabas.

“Alam niyo ba kung bakit nawala sa Streetboys si Yexel Sebastian? Magaling siyang sumayaw. May itsura. Mayroon na ring mga tagahanga,” umpisa ni Cristy.

Idinahilan raw kasi nito na kaya hindi siya makakapag-practice kasama ang grupo dahil sumakabilang buhay ang kanyang lola.

“Pinagsinungalingan niya si Direk Chito Roño bilang manager nila. Sinabi niya kay Direk Chito, ‘Direk hindi po ako makakapagrehearse, hindi rin ako makakapagperform, namatay po ang lola ko,” pagbabahagi ni Cristy.

Pinayagan naman ito ni Direk Chito at sinabing naiintindihan niya ang sitwasyon at sinabihan itong dumalo na lang sa burol nv ng kanyang lola. Ngunit wala naman pala itong katotohanan dahil nakakita siya ng direktor sa isang amusement park sa Laguna kasama ang kanyang girlfriend.

“Bakit mo pagkakatiwalaan ang isang miyembro ng grupo na kayang ipangalan ang pagkamatay ng lola dahil lang sa isang kalokohan? Gawin mong katwiran ang pagkamatay ng lola mo? Tinanggal [tuloy] siya,” sey ni Cristy.

Related Chika:
Yexel Sebastian sa balitang ‘wanted’ sila ni Mikee Agustin sa Pilipinas: Fake news po ito

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending