Yexel Sebastian sa balitang 'wanted' sila ni Mikee Agustin sa Pilipinas: Fake news po ito | Bandera

Yexel Sebastian sa balitang ‘wanted’ sila ni Mikee Agustin sa Pilipinas: Fake news po ito

Therese Arceo - October 13, 2023 - 12:08 PM

Yexel Sebastian sa balitang 'wanted' sila ni Mikee Agustin sa Pilipinas: Fake news po ito
UMALMA ang toy collector at dating miyembro ng Streetboys na si Yexel Sebastian sa kumakalat na “fake news” na kumakalat na wanted umano sila sa Pilipinas.

Nitong Huwebes ng gabi, October 12, ibinahagi niya sa isang Facebook post ang screenshot ng isang netizen na nagsasabing may reward ang kung sinumang makakapagbigay alam kung nasaan ang kanilang kinaroroonan.

“Ingat Po kayo sa magsyota na ‘to, mga [scammer] po sila sa Pilipinas. Nandito na po sila sa japan ngayon. Kakadating lang nila ngayong araw na ‘to sa Japan. Ang pangalan po nila na tunay [ay] Yexel Sebastian and Mikee Agustin,” base sa naturang post ng netizen.

Pagpapatuloy pa nito, “[Kung] sino po ang makakakita sa kanila dito sa Japan, pag bigay alam ninyo kaagad sa mga
police dito sa Japan. Wanted na po sila sa
Pilipinas. Magbibigay pabuya po sila Sir Raffy Tulfo at ang mga NBI or police ng Pilipinas ng 50 lapad kung sino po ang makapagturo sa dalawa kung nasaan sila banda nag stay dito sa Japan.”

Ayon pa sa post, P300 million raw ang na-scam nina Yexel at Mikee na taliwas sa unang naibalitang P200-M investment.

Hinikayat pa ng naturang netizen na ikalat ang naturang post para maging aware ang mga Pilipino sa Japan na wanted ang dalawa at isuplong ito sa otoridad.

Baka Bet Mo: Yexel Sebastian ipinagtanggol ang sarili kaugnay ng P200-M investment scam, kaligtasan ng pamilya nalagay raw sa alanganin kaya umalis ng Pilipinas

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bwelta ni Yexel, “FAKE NEWS po ito. ‘wag po kayo magpakalat ng bagay na hindi
totoo. Naka alis kami ng bansa dahil wala po kami ni isang kasi at yan naman po ay nasa batas.”

“Meron pong due process ang lahat. Salamat,” hirit pa nito.

Samantala, umani naman ng iba’t ibang komento mula sa madlang pipol ang naturang post ni Yexel.

“I’m neutral here, tingin ko umalis sila just to make the family safe. pero haharapin padin nila ung kaso. Pwede kasi nag invest din sila then nakita nila maganda ang kitaan kaya share nila to help other people. but xempre my wrong din sila nagwa na di naging transparent kung san gagamitin ung investment. Pero hndi po intentional na mang sscam sila. tingin ko naipit lng sila sa gitna kasi sila yung humaharap sa tao,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Umuwi ka ng pinas para malaman natin kung wala ka talagang kaso.”

“Maganda eksena nito kapag nahuli na parang GOL D. ROGER angas yexel D. Scammer,” hirit naman ng isang netizen.

Matatandaang noong Lunes, October 9 nang umalis ang kontrobersyal na toy collector kasama ang kanyang pamilya patungong Japan na kinumpirma rin ng Bureau of Immigrration.

Ayon sa ahensya, walang departure order at derogatory record ang dalawa kaya nakaalis sila Yexel ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Yexel Sebastian durog na durog sa netizens matapos humingi ng tulong: Nasaan ang utak at hiya mo?

Yexel Sebastian, Mikee Agustin trending dahil sa umano’y P200-M investment scam, lumipad papuntang Japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending