Julie Anne todo pasalamat sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan nila sa Israel: 'Our hearts go out to our kababayans...we pray for the world' | Bandera

Julie Anne todo pasalamat sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan nila sa Israel: ‘Our hearts go out to our kababayans…we pray for the world’

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 04:21 PM

Julie Anne todo pasalamat sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan nila sa Israel: 'Our hearts go out to our kababayans...we pray for the world'

TODO ang pasasalamat ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa lahat ng nagdasal para sa kanilang kaligtasan matapos abutan ng lockdown sa Israel.

Magko-concert sana sila ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz kasama ang komedyanteng si Boobay sa Tel Aviv, Israel ngunit nakansela nga ito dahil sa pagsiklab ng giyera doon.

Ligtas na nakabalik sa Pilipinas ang Kapuso couple, si Boobay at ang buong production ng “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” concert.

Dumating ang mga Kapuso stars sa Clark International Airport kagabi, October 9, base na rin sa mga recent post nila sa social media.

“Maraming salamat po ulit sa lahat ng inyong mensahe at dasal para sa aming kaligtasan,” ang ibinahaging mensahe ni Julie Anne sa kanyang Instagram story ngayong Martes.

Pagpapatuloy pa niya, “Our hearts go out to our kababayans. Everyone in the Middle East and the other parts of the world who are suffering from this conflict.

Baka Bet Mo: Julie Anne, Rayver, Boobay inabutan ng lockdown sa Israel matapos ma-cancel ang concert, wish ng pamilya at fans: ‘Sana makauwi na sila’

“We continue to pray for peace. We pray for the world,” sey pa ng dalaga.

Bago pa magkaroon ng giyera sa Israel, nakapaglibot pa sina Julie Anne at Rayver sa ilang tourist spots doon, base na rin sa mga litrato at video na ipinost nila sa Instagram.

Nakatakda sanang maganap ang “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” sa Smolarz Auditorium sa Tel Aviv University ngunit nakansela na nga ito dahil sa matinding kaguluhan doon.

Pagbabahagi nina Rayver, Julie Anne at Boobay safe naman sila sa Tel Aviv nang sumiklab ang giyera doon pero talagang naririnig nila ang mga nagaganap na pagsabog mula sa kapalit na mga lugar.

Nalungkot at nanghinayang naman ang buong grupo na hindi na natuloy ang kanilang concert.

Pero sabi nga ni Julie Anne, talagang natakot sila sa mga nangyari dahil first time nilang na-experience ang ganu’ng sitwasyon at senaryo.

Nag-thank you din ang tatlong Kapuso stars sa GMA Network at sa Sparkle management na nag-alaga sa kanila sa Israel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Julie Anne San Jose na-enjoy ang paghataw sa ‘Showtime’, na-starstruck sa mga Kapamilya stars

Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending