Julie Anne San Jose na-enjoy ang paghataw sa 'Showtime'

Julie Anne San Jose na-enjoy ang paghataw sa ‘Showtime’, na-starstruck sa mga Kapamilya stars

Pauline del Rosario |July 17,2023
facebook
share this

Julie Anne San Jose na-enjoy ang paghataw sa ‘Showtime’, na-starstruck sa mga Kapamilya stars

Pauline del Rosario - July 17, 2023 - 06:57 PM

Julie Anne San Jose na-enjoy ang paghataw sa 'Showtime', na-starstruck sa mga Kapamilya stars

PHOTO: Instagram/@myjaps

SA kauna-unahang pagkakataon, nagtanghal ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose sa harap ng madlang pipol viewers!

Siya ang naging opening act ng noontime show na “It’s Showtime” noong July 17 na kung saan ay kinanta niya ang hit song na “Cupid” ng K-Pop girl group na FIFTY FIFTY.

Pagkatapos ng kanyang performance ay nasabik siyang magbigay ng mensahe sa mga nanonood ng naturang programa.

Sabi niya, isang karangalan na mabigyan siya ng pagkakataon upang mag guest sa show.

Baka Bet Mo: Hugot ni Karla Estrada: Pwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lang sa harap ng mga anak ko!

“Sobrang happy ko na nandito ako ngayon. It’s an honor. It’s truly an honor and a privilege to be with you guys,” sey niya.

Aniya pa sa mga manonood, “Natutuwa ako kasi nai-starstruck ako sa inyong lahat.”

Kasunod niyan ay inimbitahan niya ang viewers na manood ng kanyang pelikula na “The Cheating Game” na ipapalabas sa July 26.

Katambal niya riyan ang aktor at boyfriend na si Rayver Cruz.

Nag-post din mismo si Julie Anne sa kanyang Instagram account at tila hindi pa rin siya naka-move on sa kanyang guesting.

Ibinandera niya ang kanyang litrato kasama ang TV hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Caption pa niya sa IG, “What’s up, Madlang People [smiling face with heart eyes emoji] Maraming salamat [“It’s Showtime”] sa masayang tanghali! [Folded hands emoji]

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Kung maaalala, July 1 nang mag-debut sa GTV Channel ng GMA ang noontime show.

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending