Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire | Bandera

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

Ervin Santiago |October 24,2021
facebook
share this

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 01:13 PM

Kylie Padilla at Alas Joaquin Abrenica

SUPER touched ang controversial actress na si Kylie Padilla sa ginawa ng panganay na anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

Hindi inaasahan ng Kapuso star na mas magiging maganda at makabuluhan ang resulta ng kanyang pagme-medidate sa harap ng apoy isang gabing magkasama sila ng anak.

Ito’y sa gitna nga ng kinasasangkutan niyang iskandalo matapos makipaghiwalay kay Aljur pati na rin sa kanyang pagiging single mom ngayon sa dalawa nilang anak.

Ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram account ang ilang litrato na tila kuha sa isang talahiban na may maliit na kubo habang nasa harap sila ng bonfire.

Ayon sa aktres, tagos sa puso ang naging usapan nila ng kanyang four-year-old son na mas nagpatatag at nagpaligaya pa raw sa kanya bilang isang nanay.

Aniya sa caption, “So I was meditating by the fire and Alas came to sit beside me.

“‘What are you doing mama?’ He asked me.

“‘Meditate lng si mama anak,’ I answered.

“To my surprise he cupped his hands and he said, ‘Meditate tayo mama.’

“My heart was touched. I think my meditation worked as soon as he sat beside me. I’m so happy he is picking up the habit. My heart is full,” mensahe pa ni Kylie.

View this post on Instagram

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


Nauna rito, nag-post din ang Kapuso star ng litrato sa IG kasama ang dalawang anak na parang ipinamumukha niya kay Aljur na hindi siya loser at masaya siya sa mga naging desisyon niya sa buhay. 

“I have all I could want already. Para sa lahat ng nag-alala sakin. I’m really ok. Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what” ang inilagay niyang caption sa nasabing IG post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mamayang gabi, sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” inaasahang ilalantad na ni Kylie ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Aljur. Sagutin kaya niya ang hamon ng aktor na aminin na sa publiko kung sino sa kanilang dalawa ang umano’y unang nagloko o nangaliwa? 

‘Si Kylie pa rin ang nag-iisang reyna sa buhay ni Aljur’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending