Hugot ni Karla Estrada: Pwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lang sa harap ng mga anak ko! | Bandera

Hugot ni Karla Estrada: Pwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lang sa harap ng mga anak ko!

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 07:50 AM

Hugot ni Karla Estrada: Pwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lang sa harap ng mga anak ko!

Karla Estrada

MATAPANG na sinagot ng TV host-actress na si Karla Estrada ang maiintriga at kontrobersyal na tanong ni Korina Sanchez sa programa nitong “Korina Interviews” last Sunday sa NET25.

Sa naging takbo ng kanilang chikahan nina Ate Koring at Momshie Karls ay mukhang balak na ngang ituluy-tuloy ng nanay ni Daniel Padilla ang pagpasok sa mundo ng politika.

Ito’y matapos nga siyang hindi nakapasok sa Tingog Partylist dahil pang-third seat siya at dalawa lamang sa kanilang nominee ang nahalal sa posisyon last May, 2022 elections.

Pero ayon kay Karla, tuloy pa rin naman ang pagseserbisyo niya sa naturang partylist at sa katunayan ay siya ang kasalukuyang Social Service Chief sa tanggapan ni Speaker Martin Romualdez.

Nilinaw din ni Karla na never naging isyu sa kanilang pamilya ang usaping politika kahit pa magkakaiba sila ng paniniwala at sinusuportahang kandidato.

“Hindi naging isyu or kung meron mang isyu, hindi napag-usapan. Para sa amin, aksaya sa panahon dahil ang mahalaga naman na mahal namin ang isa’t isa bilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


“Kung no man ang mga pananaw ay malaya kaming makakapili ng aming pananaw hangga’t hindi naman ito ikakapahamak ng aking mga anak, at hindi ko rin naman ikapapahamak, di ba?

“We never talked about politics, imagine? The entire campaign and up to now,” depensa pa ni Karla Estrada.

Pagpapatuloy pa ng nanay ni DJ, “Actually, even before, dahil hindi naman talaga kami pulitikong mga pamilya, di ba? Kami ay pamilyang malaya at matibay at nagmamahalan talaga.

“At ang respeto sa akin ng mga anak ko ay iyan ay napatunayan na nang ilang beses.

“Puwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lamang sa harap ng mga anak ko. Dahil ang mga anak ko ay handang…handang…ngumiti na parang aso,” birong pahayag pa ni Karla.

Samantala, super happy pa rin daw ang lovelife ni Karla at hoping and wishing siya na sa kanyang pagtanda ay may magiging katuwang siya sa kanyang pagtanda.

“Hindi ako napapagod sa kaiibig. Hangga’t tumitibok ang puso ko maaano ka talaga, e. Gusto ko talaga yung feeling na in love, may minamahal, may pakilig-kilig, inspirasyon.

“Lalo na ma-experience mo pag nagsilakihan na ang mga anak mo sina Pepe at si Pilar. Ay naku! Magdadrama ka talaga.

“Para sa akin talaga, importante na meron ka talagang kasamang tumanda,” chika pa ni Karla Estrada.

Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending