Sharon nanawagan sa mga kapwa animal lovers: 'Please open your heart to our Aspins, they are smart, loving & loyal!' | Bandera

Sharon nanawagan sa mga kapwa animal lovers: ‘Please open your heart to our Aspins, they are smart, loving & loyal!’

Ervin Santiago - October 09, 2023 - 06:49 AM

Sharon nanawagan sa mga kapwa animal lovers: 'Please open your heart to our Aspins: 'They are smart, loving & loyal!'

Sharon Cuneta at ang isa sa mga ‘Aspin’ na pinaa-adopt ng @pawssionproject

PERSONAL na nanawagan ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga animal lovers na mag-adopt ng mga Aspin o asong Pinoy.

Ayon kay Shawie, meron na siyang isang bahay kung saan naninirahan ang napakarami niyang alagang aso, kabilang na riyan ang mga Aspin na ni-rescue mula sa iba’t ibang lugar at pagkakataon.

Idinaan pa ni Mega sa Instagram ang announcement niya patungkol sa mga in-adopt niyang mga aso at kung paanon niya minamahal at inaalagaan ang mga ito.

“I have a house full of beloved dogs who are treated with the utmost love and well taken care of,” simulang mensahe ni Sharon sa kanyang caption.

“If I didn’t have too many of them, I would really adopt aspins who deserve the same kind of love my dogs receive. Please, please, if you can, adopt a dog or two from @pawssionproject.

“Aspins are smart, loving and loyal! My one Aspin/rescue dog from Olongapo is now so fat and happy and spoiled – his name, as many of you know, is Pawi-boy,” dagdag pa niyang panawagan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Sey pa ng award-winning actress at singer, “Please open your heart to our Aspins. If you cannot adopt but find it in your heart to, please donate any amount to @pawssionproject.

Baka Bet Mo: Kris kinontra si Mark Leviste sa estado ng kanilang relasyon, may pagsisisi na nagdyowa habang nagpapagamot?

“Even small amounts go a long way. Thank you so much and may God bless you. Repost from @pawssionproject,” sey ng Megastar.

Naniniwala rin siya na, “When you surrender your dog, sometimes this is what they do. They sit there waiting for you to come back. They dont want toys, treats, food, they just want you.

“This is one of at least 50 dogs at the city dog pound that we continue to feed and support. We do not get adoptions so we just could not take in more and more,” sabi pa ni Sharon.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, patuloy niyang sinusuportahan ang pagpapa-adopt ng aso at ang pagpapalaganap ng tama at responsableng pag-aalaga sa nga aso.

Wala raw kasing sapat na “bahay” ang mga Aspin at Pusakal (pusang kalye) dito sa Pilipinas kaya mas mabuti talaga ang pag-aampon sa mga aso at pusa.

Paalala pa ni Sharon sa lahat ng may balak mag-alaga ng hayop, kung hindi n’yo maibibigay ang 100% na pagmamahal sa mga ito, “Please dont even get one.”

Kuya Kim ibinandera ang 35 dogs, karamihan mga rescued na aspin: The joy they give makes everything worth it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie, Andrea gaganap na lovers sa bagong project: ‘Ubos na ba? Wala bang natira sa tayong dalawa?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending