Kylie, Andrea gaganap na lovers sa bagong project: 'Ubos na ba? Wala bang natira sa tayong dalawa?' | Bandera

Kylie, Andrea gaganap na lovers sa bagong project: ‘Ubos na ba? Wala bang natira sa tayong dalawa?’

Ervin Santiago - July 21, 2021 - 08:57 AM

Kylie Padilla at Andrea Torres

MUKHANG mapapasabak nga sa  mas daring at mas palabang proyekto ang mga Kapuso actress na sina Kylie Padilla at Andrea Torres.

Kung tama ang pagkakaintindi namin at ng kanilang mga fans at social media followers, gaganap na lovers ang dalawa sa bago nilang project under Rein Entertainment.

Nag-post sa kani-kanilang Instagram page sina Andrea at Kylie kahapon ng kanilang mga litrato na may kalakip na maiintrigang mensahe at caption.

Sa nasabing mga photo makikita ang dalawang aktres na magkasama sa isang madilim na lugar at kung tama ang pagkakaintindi namin, mukhang gaganap dito sina Kylie at Andrea bilang lesbian lovers.

“Ubos na ba? Wala bang natira sa tayong dalawa? Matagal-tagal din tayong sumaya,” ang inilagay na caption ni Andrea sa kanyang IG post.

Sa litrato namang ibinahagi ni Kylie, may nakasukat na lyrics ng isang kanta, “Isisigaw ang ngalan mo’t magpapakalunod sa pulang kabayo. Tamaan ka naman, oh, pusong hindi makapagpaalam.”

Pareho rin silang gumamit ng hashtag #BetCin at naka-tag ang Rein Entertainment. 

In fairness, maraming na-excite sa bagong project na ito nina Andrea at Kylie. Ayon sa mga netizens, kabilang na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community, talagang aabangan nila ito at susuportahan nang bonggang-bongga.

Nauna rito, nagpatikim na rin si Kylie tungkol sa nasabing project nang mag-post siya ng kanyang litrato habang nakaupo sa ibabaw ng isang 4×4 na sasakyan.

“Bye muna real world,” aniya sa caption na may hashtag na #BETCIN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-post din ang aktres sa IG ng script booklet kung saan makikita ang dalawang babae na magkahawak ang kamay na may mensaheng, “A whole lot of (cat emoji). #BETCIN.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending