Jerald pangarap bumida sa mala-‘Joker’ na pelikula; game pa bang tumodo sa mga love scene kasama si Kim sa Vivamax?
KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gustong gumawa ng project ng actor-singer Jerald Napoles na mala-“Joker” ang gagampanang role.
Isa sa mga dream role ng Viva Artists Agency talent ang makapag-portray ng character na talagang matsa-challenge siya nang bonggang-bongga.
Tulad nga ng napaka-intense at super deep na pagganap ng Hollywood star na si Joaquin Phoenix sa pelikulang “Joker.”
Type raw ng dyowa ng singer-actress na si Kim Molina na gumanap ng mga mentally-challenged o sira-ulo, “Parang hindi naman kasi nalalayo sa tunay na buhay, di ba? Ha-hahaha! True-to-life. Ha-hahaha!”
View this post on Instagram
Natanong din namin si Jerald kung sa estado niya ngayon bilang isang leading man ay game pa siyang sumabak sa hubaran at pakikipag-love scene sa mga pelikula at digital series ng Vivamax.
“Actually, kami yung mga unang nag-Vivamax, si Sunshine Guimary nga ang partner ko du’n, e. Tsaka marami na naman sila sa Vivamax, kaya na nila yun.
“Sa totoo lang ha, nakikita n’yo naman yung mga bumibida sa mga Vivamax Original, parang mas…ako na lang ha, mas gugustuhin kong panoorin sila kesa sa sarili ko.
“Kaya nagpapasalamat ako sa Viva na dinadala nila ako sa iba pang platforms,” pahayag ni Jerald sa BANDERA sa solo presscon niya para sa latest offering ng Viva Films na “Instant Daddy.”
Sundot na tanong namin, okay lang ba sa inyo ni Kim kung operan kayong gumawa uli ng movie sa Vivamax? “Oo naman, willing kami. Pero hindi namin alam kung kaya pa namin yung ginagawa nila.
“Baka hindi na namin kayanin ni Kim. Actually, hindi na namin kaya. Kayang-kaya na ng mga Vivamax stars yan,” hirit pa ng aktor.
Baka Bet Mo: Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo?
Samantala, excited na si Jerald sa nalalapit na showing ng “Instant Daddy” kung saan makakasama niya ang award-winning child star na si Althea Ruedas, Ryza Cenon at Danita Paner.
Ang “Instant Daddy” ay idinirek ni Crisanto B. Aquino and based on a Mexican blockbuster movie directed and starred by Eugenio Derbez titled “Instructions Not Included.”
“The lead actor of ‘Instructions Not Included’ was able to penetrate Hollywood because of this movie, so that’s a bit nerve-wracking, a real challenge. But I don’t want to get that pressure. Inisip ko na lang, ‘What if sa akin sya binigay? What if ako ‘yung original choice?’
View this post on Instagram
“Then also, sobrang natuwa ako kasi an adaptation is always a big project for any actor, especially kung may pangalan ‘yung pelikula. So ‘yun, thankful ako,” aniya pa.
Sa tanong kung ano ang mas mahirap, ang magpatawa o magpaiyak? “Generally speaking, for other actors, mahirap magpatawa kesa magpaiyak kasi what’s funny to me may not be funny to you, so kailangan piliin ng lahat ng tao ‘yung joke na binebenta, bago sya masabi ng lahat na nakakatawa ka.
“Hindi ko naman sinasabing mas madaling magpaiyak, iba rin naman iyon. Pero iba ‘yung binibigay na pressure ng pagpapatawa. Kasi kung magpapatawa ka, tapos walang tumatawa – waley, failure, flop!” natatawang chika pa ni Jerald.
Kapag nagkaanak siya, ano kayang klase kaya siyang tatay? “A pogi father. Ha-hahaha! No, seriously speaking, I will be a father in a way similar to how my mother and I are… kasi nakabuo kami ng friendship ng nanay ko.
“Kasi pag may frienship kasi ng kapamilya mo, madali kang magsabi kung may problema ka.
Ganu’n ang friends.
“Kapag wala kayong friendship, walang ganyang talkies. Kapag may friendship, mas maiintindihan ko yung anak ko, mas maiintindihan ako ng anak ko,” sabi pa niya.
Mapapanood na ang “Instant Daddy” simula sa October 11 in cinemas nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.