Nadine Lustre mas na-inspire mag-work dahil sa ‘Joker’ ni Joaquin Phoenix, excited nang makatrabaho si Bea Binene
MALAKI ang impluwensiya ng ilang sikat na Hollywood stars sa award-winning actress na si Nadine Lustre, lalo na sa pagpili niya ngayon ng mga gagawing proyekto.
Marami pang pangarap ang 2023 FAMAS Best Actress para sa pelikulang “Greed” na magampanang karakter sa pelikula, partikular na ang mga out-of-the-box characters.
Tulad na lang ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang horror-suspense na “Nokturno” mula sa direksyon ni Mikhail Red, na siya ring nasa likod ng Metro Manila Film Festival 2023 box-office hit ni Nadine na “Deleter”.
Isa sa mga hindi makakalimutang international movie ni Nadine ay ang “Joker” na pinagbibidahan ng Hollywood star na si Joaquin Phoenix.
View this post on Instagram
“When I watch a film like ‘Joker,’ we can see that Joaquin Phoenix’s character was something he hadn’t done before, but he portrayed it with so much passion.
“Watching films like that and seeing actors do something like that inspires me to do the same,” ang sabi ni Nadine sa naganap na storycon ng “Nokturno” kamakailan.
“You know, it’s very exciting trying out different roles and putting myself in the shoes of another character,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre natatakot bang makipagbakbakan kina Marian, Sharon, Vilma at Nora sa MMFF 2023?
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon naman ay makakasama ni Nadine sa “Nokturno” ang kapwa-Viva Artist Agency (VAA) talent na si Bea Binene.
Pero ayon sa dalawang aktres, magkakilala na sila noon pa dahil sa Party Pilipinas, ang dating Sunday noontime show ng GMA 7. Miyembro pa noon ng all-girl group na Pop Girls si Nadine.
“Hindi kami directly nagka-work ni Bea, but we were in Party Pilipinas when I was still with the Pop Girls, so nagkita-kita na kami before.
View this post on Instagram
“So, ngayong nagkita ulit kami, parang hindi naman siya total stranger to me. Nagkakausap na rin kami before. May pinuntahan kaming event, so hindi na siya total stranger.
“But I’m really excited to do it with a new cast this time around, kasi siyempre, ang saya ng ibang meron nang katrabaho. I’m really looking forward to working with Bea,” pahayag ni Nadine about Bea Binene.
Sey naman ni Bea, looking forward na siya sa pagsisimula ng shooting nila ni Nadine para sa “Nokturno”, “I am just really excited and now, we belong to one home, one roof now under Viva Artists Agency.”
Umaasa rin ang dalawang aktres, pati na rin ang kanilang direktor na si Mikhail Red na mapipili ang “Nokturno” ng Viva Films sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magaganap sa December.
Morissette marami pang pasabog ngayong 2022; nasa pangangalaga na ng NYMA talent management
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.