Nadine Lustre ‘nag-aalangan’ pa sa titulong ‘Horror Queen’: I don’t want to be boxed…
MATAPOS magwagi ng “Best Actress” sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF), tila marami na ang bumabansag sa aktres na si Nadine Lustre bilang “Horror Queen.”
Pero ito ang isang titulo na hindi nakikita ng award-winning actress sa kanyang sarili.
‘Yan ang sinagot ni Nadine sa naging story conference para sa kanyang upcoming film na may titulong “Nokturno,” ang kanyang second project with filmmaker Mikhail Red.
Makakasama niya sa nasabing pelikula sina Bea Binene, Eula Valdez, Wilbert Ross, at JJ Quilantang.
Sey ni Nadine sa entertainment press, “Parang hindi ko pa po ma-claim ang ‘Horror Queen’ kasi this is [just] my second [horror project].”
“Kasi meron pa po akong isang film na horror pero supporting character lang po ako d’un. As in sobrang bilis [ng appearance] ko d’un,” dagdag niya habang tinutukoy ang 2015 movie na “Chain Mail.”
Aniya pa, “Ang first [horror project] ko is ‘Deleter’ then second is ‘Nokturno,’ I don’t think I can claim it pero I’m really happy na naka-receive ako ng maraming awards because of ‘Deleter.”
Inamin ni Nadine na nais din niyang gumawa ng iba’t-ibang genre ng mga pelikula in the future.
“I don’t want to be boxed. Hopefully, after ‘Nokturno,’ magkaroon ako ng variation sa projects,” diretsahang pahayag ni Nadine.
Sambit pa niya, “But ako talaga, biased kasi ako sa horror, thriller, and crime. But with ‘Nokturno,’ excited ako kung paano ko iti-twist ‘yung character this time around and paano siya magiging iba sa ‘Deleter.”
Kung maaalala, bago ang “Nokturno” ay nauna nang bumida si Nadine sa horror film na “Deleter” kung saan siya ay gumanap bilang si “Lyra.”
Sumunod diyan ay ang pelikulang “Greed” na pumapel naman siya sa kanyang dark role bilang “Kichi.”
Mula sa mga nabanggit, sinabi ni Nadine na mas challenging at kakaiba ang istorya ng kanyang upcoming film.
“‘Yung challenges ni Jamie ay sobrang iba from Kichi and Lyra. Mas rural kasi ang ‘Nokturno’ and ‘yung mga kabatuhan ko rito — especially with Eula Valdez — makikita niyo ‘yung interactions ng character ko with Eula, with a mom, with a brother, with a family member,” kwento niya.
Saad pa niya, “Sa ‘Deleter’ wala, halos computer lang kabatuhan ko d’un. And for ‘Greed,’ tatlo lang kami lagi sa eksena.”
“But this time, meron nang family involved, may grieving. Tina-try ko kasing wag mag-share at ayokong mag-kwento kasi baka ma-spoil ko na naman,” patuloy niya habang natatawa.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Nokturno” ay sinimulan nang gawin ngunit wala pang petsa kung kailan ito ipapalabas.
Magugunitang ang titulong “Horror Queen of Philippine Cinema” ay dating hawak ng Queen of All Media na si Kris Aquino dahil na rin sa tagumpay ng ilan niyang horror film.
Kabilang na riyan ang “Shake, Rattle and Roll,” “Feng Shui” series, “Sukob,” at marami pang iba.
Related Chika:
Nadine Lustre natatakot bang makipagbakbakan kina Marian, Sharon, Vilma at Nora sa MMFF 2023?
Kim Chiu ‘diamonds’ ang panlaban sa mga ligaw na elemento; shooting ng ‘Huwag Kang Lalabas’ minulto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.