Nadine payag makatambal uli si James: Why not? Hindi naman kami magkaaway
WALANG issue o problemang nakikita ang award-winning actress na si Nadine Lustre sakaling magtambal uli sila sa isang proyekto ni James Reid.
In fairness, kahit matagal nang hiwalay sina James at Nadine napakarami pa ring JaDine fans ang umaasa na muli nilang mapapanood ang ex-couple sa teleserye at pelikula.
May mga nakakausap kaming mga die hard fans ng isa pang tinaguriang phenomenal loveteam na talagang ipinagdarasal nila na sana’y pagtambalin uli sila sa isang bonggang project.
Kagabi, nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Nadine sa presscon ng kanyang Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Deleter” na idinirek ng premyadong filmmaker na si Mikhail Red.
View this post on Instagram
Dito nga natanong ang aktres kung posible pa kaya siyang mapanood ng madlang pipol sa isang teleserye o pelikula kasama ang ex-boyfriend na si James.
“We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway,” ang diretsahang sagot ni Nadine.
Natanong din siya kung ano ang reaksyon niya sa mga JaDine fans na patuloy na umaasa na sila pa rin daw ni James ang magkakatuluyan sa ending.
Maikling sagot ni Nadine, “2023 na po. It’s time for us to start a new chapter.”
In fairness, mukhang maligayang-maligaya naman ang dalaga sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou na nakabase sa isla ng Siargao.
Si James naman ay nasa Amerika pa rin para sa kanyang mga commitments doon. Siya rin ang tumatayong manager ng Kapamilya star na si Liza Soberano na nangangarap namang maging Hollywood star.
Samantala, super excited na si Nadine sa kauna-unahan niyang horror movie under Viva Films na isa sa walong official entry sa 2022 MMFF na magsisimula na sa December 25.
Magkahalong excitement at nerbiyos daw ang nararamdaman niya ngayon habang papalapit na ang showing ng “Deleter” sa MMFF.
Kasama rin niya sa movie sina Louise delos Reyes, McCoy de Leon at Jeffrey Hidalgo.
“This is one project that I can say I’m really proud of. It’s different from the other projects I’ve done because this is my first full-length horror movie,” sey ni Nadine.
Bakit nga ba ngayon lang siya gumawa ng horror film? “I guess I just waited for the right project. A lot of my projects are drama and rom-com.
“Hindi talaga nangyayari yung horror film. But I’ve been vocal about wanting to do other genres like action films, horror,” aniya pa.
Sey pa ng dalaga, sana raw ay matakot at magsisigaw sa loob ng sinehan ang lahat ng manonood sa “Deleter” dahil yun naman talaga ang objective ng kanilang pelikula.
Marami namang members ng press ang nakapansin sa blooming at fresh na fresh na aura ni Nadine, reaksyon ng aktres “I’ve learned to enjoy life to the fullest. Life is hard but we have to learn to go with the flow. I don’t stress out and chill lang talaga ako lately.”
Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid
Kim Chiu ‘diamonds’ ang panlaban sa mga ligaw na elemento; shooting ng ‘Huwag Kang Lalabas’ minulto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.